^

Pang Movies

Rabiya, na-scam sa concert ng Korean pop singer

Salve V. Asis - Pang-masa
Rabiya, na-scam sa concert ng Korean pop singer
Rabiya

MANILA, Philippines — Todo ang paliwanag ni Rabiya Mateo sa nangyari sa kanila ni Jeric Gonzales sa concert ng Korean star / singer na si IU.

Mabilis nga kasing pinatulan ng netizens ang post ng isang andun na feeling entitled sila.

Na-bash bash sila at kawawa sa netizens.

Pero ‘yun nga, ‘di pala ‘yun totoo.

“While others are so quick to have assumptions without getting their facts right shows how people believe what they see online. Not everything you read is true. Not everything you see is real. Not everything you hear should be posted online at the expense of other people.

“However, we have laws to protect the innocent and punish those who are guilty. PS, people saw us pano kami luminya kay lee min ho, coldplay at ed sheeran. Never kami nagpa-vip2 sa mga concert,” ang IG story ni rabiya.

At na-scam pa pala sila. “We’ve been scammed the first time we tried to buy these tickets.

“Just like the rest of you, we had a hard time looking for available tickets.

“Contrary to what most of you think, walang artista-artista sa paghahanap.”

 “we wanna clarify that the rumors circulating are not true. we bought the tickets for 12,000php each.

“Just like the rest of them. We worked very hard to afford the tickets and never demanded for any vip treatment but we would like to commend the ushers for helping us find our seats.”

Well, ganun na kasi ka-gullible ang mga tao.

Imelda Papin, acting member ng PCSO

Ahh acting director pala si Imelda Papin ng PCSO.

Itinalaga nga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang iconic singer sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang isang “acting member” ng Board of Directors.

Matagal na nga kumakalat na magiging director siya ng PCSO pero ito na finally.

Pero totoo bang nagtampo si La Papin kaya iniba ang title ng kanyang biopic, mula sa Loya­lista, na ginawang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin?

Star Magic All-Star Games, sinuportahan ng libu-libong fans!

Sinuportahan ng libu-libong fans ang sold-out na Star Magic All-Star Games 2024 na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo (Hunyo 2) at mainit ding pinag-usapan online kaya naman pumasok sa trending list ang nasabing event.

 Ibinahagi ni Gerald Anderson, na namuno sa Shooting Stars Red bilang playing coach, ang kanyang kaligayahan nang tapusin ng kanilang koponan ang winning streak ng Team It’s Showtime at makapaglaro sa sold out crowd sa Araneta Coliseum.

Ayon sa aktor : “Pinaghandaan namin. Nag-extra work kami. Meron kaming chat group, lagi kaming magkausap doon. We’re motivating each other, lagi kaming nagbibigay ng mga inspirational words.”

Pinamunuan at sinuportahan nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang It’s Showtime team.

 Sa kabilang banda, napagtagumpayan naman ng Shoo­ting Stars Blue team na pinangunahan nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte ang laro laban sa guest team na Cong’s Anbilibabol Basketball Team.

 “Noong nalaman ko na Team Pa­yaman ‘yung kalaban and I was asked to join, hindi na ko nag-hesitate kasi alam kong magiging masaya siya and they’re a really good and fun group. I think it’s a great experience for us and for the fans,” saad ni Donny.

Binigyang papuri rin niya ang annual sports fest ng Star Magic.

Binuo nina Donny, Ronnie, River Joseph, Nelson Mendoza, at Cris Lagudas ang Mythical 5 ng unang laro, habang inuwi ni Ronnie ang titulo bilang MVP.

Sa pangalawang laro naman, kasama sa Mythical 5 sina Ion Perez, Lance Carr, Argel Saycon, Derrick Hubalde, at Young JV, na siya ring hinirang bilang MVP.

 Samantala, nadepensahan ng Lady Spikers, sa pangunguna ni Loisa Andalio, ang kanilang korona sa laban ng volleyball kontra Lady Setters.

 Kabilang sa Mythical Six sina Mikha Lim ng BINI, Vivoree, Analain Salvador, Awra Briguela, Reign Parani, at Janah Zaplan, habang itinanghal na MVP si Analain sa ika-apat na pagkakataon.

  Naging tila concert naman ang halftime ng Star Magic Games sa pagdalo ng Nation’s Girl Group na BINI kung saan ay itinanghal nila ang Karera at ang kanilang viral hit na kanta na Pantropiko.

Present din ang Star Magic head na si Lauren Dyogi at Star Magic artists na sina Mutya Orquia, JL at Akira ng BGYO, Chie Filomeno, Francine Diaz, Barbie Imperial, at Belle Mariano.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with