Heart, uupo nang presidente!

Heart Evangelista

Manunumpa na pala si Heart Eva­ngelista tomorrow, June 5, bilang Senate Spouses Foundation (SSF) President kasama ang bagong set of officers ng mga mahal sa buhay ng mga nakaupong senador.

Kabilang nga sa bagong opisyales ay sina :  SSF Vice President  - Kathryna Pimentel - wife of Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III; Secretary - Maricel Tulfo, daughter of Sen. Raffy Tulfo; Assistant Secretary - Mr. Neil Llamanzares, husband of Senator Grace Poe; Treasurer - Rep. Lani Revilla, wife of Senator Bong Revilla; Legal Counsel - DOJ Undersecretary Em Villar, wife of Sen. Mark Villar.

Public Relations Officers sina Mariel Padilla wife ni Senator Robin Padilla at Nancy dela Rosa, misis ni Senator Ronald dela Rosa.

Maalalang nakipagkita na si Heart sa ibang misis ng mga senador last week.

At nag-post ito ng “Our very first meeting and as they say, coming together is just the beginning.♥?Excited to get down to work!Thank you for the warm welcome fellow senate spouses.♥?Ready to honor the challenge of working together and find ways to make our communities better and stronger.”

Kaya ang tagline niya ngayon, #HeartOfTheSenate.

Inamin ni Senate President Chiz Escudero na kinabahan at naluha ang misis niya sa bagong responsibilidad sa Senado.

“Hindi raw niya alam, hindi raw niya kabisado. Sabi ko, ako rin naman, hindi ko alam, hindi ko kabisado. Sabi nya, ‘E ikaw ang tagal-tagal mo na dyan, mundo mo yan.’ Sabi ko, ‘Senador, oo, pero Senate president hindi, kaya panay ang pa-briefing ko,’” naunang sinabi ni Sen Chiz sa kanyang mga lumabas na interview.

Pero paano na kaya ang mga fashion week na nirarampahan ni Heart. Iba pa rin kasi ang dating ng mga fashion week sa Europe pag andun siya.

Mas pinag-uusapan kahit dito sa bansa.

Aktres emosyonal...Kim muntik makalimutan ang debut sa showbiz

Massive ang naging preparation ng fans ni Kim Chiu sa kanyang 18th anniversary sa showbiz.

May pa-electronic billboard pa sila.

Kaya naman, panay ang pasasalamat ni Kimmy.

“JUNE3! thank you for reminding me fam!!! Today marks my 18th year in showbiz! maraming maraming salamat po sa love and support through the years! Thank you @KimChiuFBpage for this BONGGANG SURPISE LED BILLBOARD! salamat sa inyong lahat grabe kayo,” reply ni Kim sa post ng kanyang fans club.

Actually, muntik na raw niya itong makalimutan pero grabe nga ang pagbati ng kanyang fans ayon kay Kim sa It’s Showtime kahapon.

Kaya nang humirit si Jhong Hilario na sana naman ay ibang anniversary ang i-celebrate niya.

Sundot ni Teddy Corpus, kahit monthsary na lang.

Pero sumagot si Kim ng “hahanp muna ako ng ka-monthsary.”

Pilipinas, number 2 sa pinaka- maraming pirated content users

Ang lala na talaga ng online piracy sa Pilipinas.

Ayon nga sa isang survey, pumapangalawa ang Pilipinas sa Asia Pacific na tumatangkilik sa pirated content sa pamamagitan ng streaming sites, at sumusunod lamang sa Vietnam.

At ito ang kalaban ngayon ng TV.

Ang mga pirated content na napapanood ng libre.

Kaya naman talagang malungkot pa rin ang kapalaran ng local movies na ipinalalabas sa mga sinehan.

Nagkakaroon lang ng tao ang mga sine kapag libre ang mg senior citizen na talagang pumipila dahil libre.

Ganundin sa TV, ang baba na ngayon ng mga rating sa TV.

Sheryl, ingat na ulit mag-asawa

Literal na bongga si Sheryl Cruz.

Apat lang naman daw ang kanyang mga manliligaw na kanyang ini-entertain.

And take note, aprubado raw ng kanyang anak.

“But then, you know what? It’s so difficult for me to have another whirlwind romance because I’m not at that age anymore na 20s ako or 25 because, you know, pagka ganu’n ka kabata, you have a second chance,” pag-amin ng actress na sa totoo lang ay parang hindi naman nagkakaedad.

Kaya nga niyang lumabas na walang make up.

In fact, nung dumating siya sa opening ng Skinlandia Clinic sa SM Fairview, walang siyang make up.

Kakatapos nga lang pumirma ng kontrata sa Skinlandia ni Sheryl at nagpapasalamat siya na mas maaalagaan na ang skin niya.

Nagkaroon ng grand opening ang Skinlandia Skin Care Clinic located sa SM City Fairview last Saturday.

Anyway, dahil sa rami nang pinagdaanang pagsubok ng aktres, aniya, dahan-dahan na raw siya sa posibilidad na ma-inlove ulit.

So ano bang hinahanap niya?

“First of all, they have to be really responsible. I’m not looking for somebody who looks like a model. I want somebody whom I can depend on and somebody na I can work in partnership with.

“Because ayoko ‘yung parang nagkakaroon kami ng paligsahan pagdating sa aming mga career. Kasi do’n kami usually hindi nagkakatugma.

“And since you know na I’m still in the process of like, you know, not seeking out for another relationship but having more friends and if the event happens that I do have another relationship, ‘di ba, of course, I want that person to feel confident na kasama ako,” pagkukuwento pa niya na aminadong gustong mag-age gracefully kaya maingat sa pag-aalaga sa sarili.

Show comments