^

Pang Movies

Maxene, malalim ang hugot ng pagpabor sa diborsyo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maxene, malalim ang hugot ng pagpabor sa diborsyo!
Maxene Magalona

Hindi namin masisisi si Maxene Magalona kung bakit pilit niyang itinatagu­yod ang panukalang batas sa divorce. Siguro naniniwala si Maxene na kung may divorce sa Pilipinas mas naging maganda pa ang kanilang buhay.

Si Maxene ay ang panganay na anak nina Pia at Francis Magalona, si Francis mismo ang nagkuwento sa amin ng pagsilang ng kanyang panganay na anak habang ginagawa pa nila noon ang pelikula nilang Ninja Kids. Sa isang shooting iyon sa Paco Park nang ikuwento sa amin ni Francis iyon.

Kaya maliwanag sa amin, na ang dalawang nakatatandang anak ni Pia, na sina Unna at Niccolo ay hindi anak ni Francis.  Hindi maliwanag sa amin kung kasal si Pia sa ama ng dalawang bata pero iyon ang dahilan kung bakit sila nagpakasal ng master rapper sa Hongkong at hindi sa Pilipinas.

Marahil naiisip ni Maxene na kung may divorce sa Pilipinas, maaaring nakipag-divorce ang nanay niya sa unang pinakasalan noon at nakapagpakasal nang mas maayos ang mga magulang niya. Hindi gaya ngayong kung kailan matagal na panahon na ang lumipas at saka pa nakukuwestiyon ang kanilang tunay na relasyon.

Nagsimula lang naman iyan dahil sa kuwentong bago naratay sa karamdaman si Kiko o bago siya yumao at nagkaroon siya ng relasyon kay Abegail Rait na nagsabing ang civil status noon ni Kiko ay “single” at bago nagsimula ang kanilang affair ay matagal na iyong hiwalay kay Pia Arroyo Magalona. So far hindi naman sumagot ang sino man sa pamilya ni Magalona sa mga bagay na iyan hanggang ngayon. Ang nagsagutan lamang ay ang kanilang mga follower.

Naglabas si Pilar Mateo, PR Girl ni Magalona ng picture nila sa Hongkong at sinabaing kuha iyon sa kasal ng dalawa. Pero walang litrato ng actual na seremonyas at hindi rin niya sinabi kung sino ang nagkasal sa dalawa at kung saan ginanap ang kasal.

Sinagot naman iyon ng dating actor na si Robbie Tarroza na ang claim ay kaibigan siya ng master rapper at ipinagtapat noon sa kanya na hiwalay na nga sila ni Pia at in love siya sa isang bagong kakilala isang flight attendant na si Abegail Rait nga na nakilala niya sa studio ng Eat Bulaga. Sinasabi rin ni Joey de Leon na may alam siya, pero hindi naman niya sinabi kung ano ang alam niya tungkol doon.

At tiyak na ito ang dahil kung bakit pabor na pabor si Maxene Magalaona na isulong ang Divorce sa Pilipinas. Si Maxene din naman ay nagpakasal sa kanyang asawang si Rob Mananquil, pero naghiwalay din sila.

Noon pa may lumabas nang study na may effect psychologically ang paghihiwalay ng mga magulang sa mga anak.

Pero maliwanag din sa amin ang turo ng Diyos na mababasa sa Lukas 16:16, “Ang sinumang makipagdiborsiyo sa kanyang asawa at mag-asawang muli sa iba ay nagkakasala ng pangangalunya.”

Lian, nagpasalamat sa papa

Walang patid na pasasalamat sa Diyos ang binabanggit ni Lian Paz para sa kanyang dalawang anak na sina Xonia at Xalene, dahil ang mga iyon ay nagpamalas ng kanilang talino sa pag-aaral.

Inamin ni Lian na sa kabila ng kanilang pi­nagdaanang hirap noon, hindi nagbago ang pananampalataya ng dalawang bata sa Diyos at lalo silang nagsikap sa kanilang pag-aaral dahil alam nila na kailangan iyon para sa isang magandang buhay.

Sa katapusan sinabi ni Lian “congratulations to us daddy.” Na ang tinutukoy ay ang basketball player at negosyanteng si John Cabahug na siya ring nagpapalaki ngayon sa kanyang dalawang anak.

Sinusuwerte naman si John dahil sa ngayon ay sikat na sa Cebu ang kanyang negosyong malunggay juice isang herbal health supplement na mabibili na rin ngayon sa mga supermarket at ibang tindahan.

Nagsimula sila sa kanilang juice business sa pamamagitan lamang ng isang kiosk kung saan nila iyon ipinagbibili, pero dahil sumikat na nga bilang isang health supplement nasa mga supermarket a rin iyon.

MAXENE MAGALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with