^

Pang Movies

Kim at Paulo, magkasama na rin sa endorsement

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim at Paulo, magkasama na rin sa endorsement
Kim Chiu at Glenda Victorio

Sinuportahan ni Paulo Avelino ang grand launch na isinagawa ng Brilliant Skin para sa ka-loveteam na si Kim Chiu.

Si Kim ang napiling ambassador ng bagong produkto ng Brilliant Skin na Hello Melo Beauty Drink. Ginanap ang bonggang launching at contract signing ng aktres last Sunday sa Blue Leaf Cosmopolitan.

At bilang ka-loveteam at isa rin sa endorsers ng Brilliant Skin, dumalo rin si Pau sa nasabing event at nagbigay pa ng isang awitin.

‘Yun nga lang, marami ang nagtatanong kung nagkita kaya sila ni Kim dahil pagkatapos ng stint niya sa stage ay nakita na namin siyang umalis. Kaya wala na siya sa contract signing and mediacon ng aktres na siyang pinaka-highlight ng event.

Well, event naman kasi ni Kim yun kaya hindi na siguro umeksena pa si Pau. At least ay sinuportahan naman niya ang ka-loveteam bilang pinaka-bagong mi­yembro ng Brilliant Skin family. Baka naman nagkita ang dalawa sa dressing room,

Anyway, sa Q and A portion ay natanong si Kim kung ano ang feeling na hindi lang sila sa teleserye magkasama ngayon ni Paulo kungdi maging sa endorsement na rin.

“Siyempre, masaya kami pareho because this is a blessing for us, siyempre and ayun, masaya kami na nasa Brilliant kami and then, sobrang bait sa ‘min ni Madam (Glenda Victorio, CEO),” sey ni Chinita Princess.

Natanong naman si Miss Glenda kung bakit si Kim ang napili niyang ma­ging mukha ng kanilang bagong produkto at ayon sa CEO, matagal na raw niya talagang gustong kuning endorser ang aktres dahil noon pa niya ito hinahangaan. Maging ang lola niya ay fan daw ni Kimmy.

“’Yung lola ko po andiyan, mula Sana Maulit Muli, napanood po namin hanggang Linlang,” sey ni Miss Glenda.

Bukod dito ay malaking factor din daw na araw-araw napapanood si Kim sa TV sa tanghali at gabi. Perfect na perfect daw ang aktres for the product since athletic din ito.

Kapipirma nga lang ni Kim ng kontrata pero ayon kay Miss Glenda ay nag-inquire na raw siya sa ma­nagement ng aktres for renewal of contract.

Sey naman ni Kim, “sabi ko,’madam, first time ko na-experience, ilo-launch pa lang ako, may nag-inquire na ng renewal.’”

Sa naturang event pa rin, isa rin sa dumalo si Arci Munoz bilang endorser ng kumpanya.

Ayon kay Arci ay nag-yes siya agad nang alukin siya ni Miss Glenda na maging endorser.

 “Because I’ve been to a lot of medical groups already, and I can say all of them. But only was able to cure my acne problems. No, I swear. I went there, I had acne problems. I messaged her. I told her, ‘sis can you help me with my skin problem?’” kwento ni Arci.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng aktres na naging parte siya ng Brilliant Skin family.

Si Arci rin ang nagbida sa life story ni Glenda na ipinalabas sa TV5 noong 2022 kaya alam na alam daw niya ang kwento ng buhay ng nasabing CEO.

 Kwento naman ni Glenda, nang pinipili raw nila kung sino ang pwedeng gumanap sa kanyang life story, marami raw ang nagsabi na kamukha niya si Arci.

“Pero hindi totoo kasi sobrang ganda niya,” sey ni Glenda.

Sobrang thankful ng young businesswoman sa pagganap ni Arci bilang siya dahil alam daw niyang sobrang hirap daw gawin ng kanyang iife story.

“Kasi roller coaster ride ‘yung naging taklbo ng buhay ko talaga pero nagampanan niya nang maayos,” sey ni Glenda. 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with