Dennis, inamin ang rason sa pagkahumaling sa motor!

Jennylyn Mercado

Ni-reveal ni Dennis Trillo na ang misis niyang si Jennylyn Mercado ang naging dahilan kung bakit siya nahumaling sa motorcycling.

Noon daw ay takot ang Kapuso actor na sumubok na mag-motorsiklo dahil sa mga aksidenteng nababa­litaan niya. Pero dahil sa impluwensya ni Jen, na-enjoy na niya ang motorcycling.

Nagsimula raw ang lahat ng samahan ni Dennis si Jen gamit ang isang scooter. Dati raw kasi ay sa kotse lang siya naghihintay. “Nakita ko na may scooter sa bahay na walang gumagamit, sabi ko isang araw, samahan kita. Kahit ngayon, hindi ako makapaniwala na nahilig ako sa motor. Parang delikado talaga siya sa ‘kin, pero siguro iba talaga ‘yung impluwensya ng pag-ibig,” sey ni Dennis na tinatapos ang pelikula nila ni Jen na Everything About My Wife.

Kyline, nagpo-promote sa Korea

Balik ang pag-aura ni Kyline Alcantara sa South Korea sa pagdalo nito sa Korea Beauty Festival bilang honorary ambassador ng Korea Tourism Organization (KTO) ng Pilipinas.

Ang Korea Beauty Festival ay isang month-long event kung saan pino-promote nila ang Korean beauty o K-beauty sa foreign nationals sa loob at labas ng bansa.

Parte ito ng kanilang selebrasyon ng ikalawang Visit Korea 2023-2024 campaign.

Bilang isa sa mga VIP, kasama ng Shining Inheritance star ang isa sa mga miyembro ng National Assembly of Republic of Korea na si John A. Linton, Acting President na si Mr. Young Chong Seo, KTO Executive Vice President Mr. Hakju Lee at Ministry of Culture, Sports and Tourism Minister Yu In Chon.

Abba, nabuo ulit

Sa isang pambihirang pagkakataon, nag-reunion ang apat na members ng famous Swedish group na ABBA para tanggapin ang prestigious Swedish knighthood from King Carl XVI Gustaf and Queen Silvia.

Benny Andersson (77), Agnetha Fältskog (74), Anni-Frid Lyngstad (78) and Bjorn Ulvaeus (79) received the Royal Order of Vasa and are now Commanders of First Class for “very outstanding efforts in Swedish and international music life.”

Sumikat ang ABBA noong 1974 noong manalo sila sa Eurovision Song Contest para sa song na Waterloo. Ang iba pang big hits nila ay Mamma Mia,  Dancing Queen, Fernando, The Winner Takes It All and Gimme! Gimme! Gimme!

Show comments