Superbook Season 5 napapanood sa kapamilya channel

MANILA, Philippines — Mas sasaya ang Hunyo para sa mga batang Pinoy dahil mas maraming bagong kwento ang hatid nina Gizmo, Chris, at Joy sa kanilang Biblical adventures sa  Superbook, ang animated series tungkol sa mga kwento sa bibliya at mga mahahalagang aral mula rito.

Simula noong Lunes, Hunyo 3, napapanood na tuwing umaga sa Kapamilya Channel ang bagong episodes ng “Superbook” Season 5 na magpapakilala sa mga bata kina Moses, Nicodemus, Zacchaeus, at iba pang biblical figures.  Magbabahagi rin ito ng mga mahahalagang aral mula sa Bibliya tulad ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos, pagiging mahabagin, at mapagpatawad.

Layunin ng ABS-CBN, katuwang ang CBN Asia, na magbahagi ng mga masasayang kwento na puno ng mabubuting aral, hindi lang para sa mga kabataan, pati maging sa buong pamilya.

Huwag palampasin ang “Superbook” Season 5 na nagsimula na kahapon Lunes (Hunyo 3) tuwing 8:30 am sa YeY Weekday block ng Kapamilya Channel.

Show comments