Kim, nilantad ang matagal nang sikreto!

Kim Chiu
STAR/File

Ang bongga naman ng aktres na si Kim Chiu na nilabas ang kanyang new look.

Hindi nga takot ang It’s Showtime host na sumubok ng mga bagong hairstyle at ipinakita niya sa isang Instagram Reel ang new look niya kung saan meron siyang brown soft curls at bangs.

Aliw rin ang caption niya na sinabing nilantad na niya ang kanyang matagal nang sikreto na meron siyang kakambal na si Stella.

Ginawa pa niya itong katatawanan na lumaki raw ito sa ibang lugar.

Sinabi pa nitong ayaw lumabas ng kanyang kakambal pero pinilit nila ito.

“The secret is out!!!! introducing my twin STELLA!!! born and raised sa f**m! Charot!!!” caption niya sa kanyang post.

Kahit anong hairstyle nga ay bumabagay sa What’s Wrong With Secretary Kim actress.

Kagaya na lamang din noong magselebreyt siya ng kanyang birthday ay ipinakita niya ang kanyang short hair na nagpakabog lalo sa ganda niya.

Samantala kasalukuyan namang nali-link si Kim sa ka-loveteam na si Paulo Avelino. Tuloy nga ang pag-trending ng mga eksena nila lalo na ang kissing scenes nila na lalong nagpapakilig sa fans at hirit nga nila ay totohanin na sana ng dalawa ang relasyon.

Pero sinabi naman ng aktor na maghinay-hinay muna lalo na at kagagaling lang ng aktres sa breakup.

Hayaan daw muna itong mag-enjoy at bigyan ng oras para makapag-explore. Bongga.

Show comments