^

Pang Movies

Fiance ni Andi, nagsalita sa malisyosong intriga sa content creator!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fiance ni Andi, nagsalita sa malisyosong intriga sa content creator!
Philmar at Andi
STAR/File

Nagsalita na rin finally ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo hinggil sa kumakalat na intriga sa kanila ng content creator na si Crissa Habibi.

Nakausap ni Boy Abunda si Philmar tungkol sa issue na kaagad namang ibinalita ng King of Talk sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda.

Sa panimula ng programa ay ibinahagi ni Kuya Boy ang teaser ng kanyang interview kay Andi sa TV special niyang My Mother, My Story na ipapalabas sa darating na June 9.

Kasunod nito ay nabanggit ng TV host na aside from Andi ay nakausap daw niya si Philmar.

“Nakausap ko rin po ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo. For the first time, Philmar addressed itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video, that is causing a stir on social media,” sey ni Kuya Boy.

“What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi,” pagbabahagi pa ng TV host.

Tsika pa niya, noong una ay tinawanan lang daw ng engaged couple ang lumabas na video pero nang malagyan na ito ng malisya ng ibang tao ay nabahala na sila.

“Kaya nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” saad ni Kuya Boy.

Bukod sa nasabing kontrobersiya, napag-usapan din daw nila ang tungkol sa buhay nina Andi at Philmar sa Siargao pati na rin ang planong pagpapakasal.

Stell, feeling sikat sa bashers!

Nagkaroon ng live session sa TikTok si Stell Ajero ng SB19 last Friday at dito ay in-address niya ang mga pangba-bash na nararanasan niya at ng kanyang grupo

Ayon kay Stell ay wala naman daw siyang magagawa kung may mga taong negatibong mag-isip.

“Kasi guys, wala naman na tayong magagawa sa sinasabi ng iba, sa iniisip ng iba, kasi sila naman ‘yun, eh. Wala na tayong magagawa do’n,” aniya.

Kaya naman payo niya sa kanyang fans and followers, “let’s continue life and let’s keep on doing the things we love, kasi ‘yun lang naman ‘yung hindi nila makukuha sa atin. Focus on your goals, basta wala kang inaapakang tao. Napakasimple pero pasok sa lahat ng bagay.”

Sinabihan din niya ang fans na huwag nang patulan pa ang mga basher.

“Kayo kasi, mapagpatol din kayo, eh. ‘Pag hindi maganda sa mental health n’yo, huwag n’yo na patulan. Huwag n’yo na bigyan ng platform ‘yung mga taong ganoon. Marami pa ring tao na may mabuting kalooban na hindi nagto-tolerate ng ganon,” aniya.

Biro pa niya, “saka ‘di ba, sabi nila, ‘pag marami kang bashers, ibig sabihin, sikat ka na. Wow, sikat. Hindi, joke lang,” sabay-tawa.

Paglilinaw pa niya, “saka hindi naman ako nasaktan, to be honest. Saka ba’t ako masasaktan, ‘di naman totoo?”

In-assure rin ni Stell ang fans na walang dapat ipag-alala sa kanya dahil okay lang siya.

“Sa mga nagtatanong if I’m okay, don’t worry guys, I’m okay. Sobrang busy lang talaga. Matagal ko na gusto mag-live, gusto ko kayo maka-bonding, kaso ang dami kong ginagawa,” saad pa ng SB19 member.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with