^

Pang Movies

Anne, may pahaging sa mga senador na nag-no sa diborsyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne, may pahaging sa mga senador na nag-no sa diborsyo
Anne

Iba’t ibang reaction ng netizens sa tweet ni Anne Curtis na “Puro lalake ung nag no” na ang tinukoy ay ang “No” vote nina Senators Jinggoy Estrada, Francis Tolentino, Francis Escudero, Joel Villanueva, at Ronald dela Rosa sa result ng initial survey sa divorce bill.

Mas lamang naman ang babaing senators na bumoto ng “Yes” na kinabibilangan nina Senators Grace Poe, Risa Hontiveros, Imee Marcos, at Pia Cayetano. Si Senator Robin Padilla pa lang sa male senators ang bumoto ng yes.

The rest of the senators ay hindi pa bumoboto at pag-aaralan pa raw ang tungkol dito.

May pabirong nagtanong kung ano raw kaya ang reaction ni Mariel Rodriguez na pabor si Robin sa divorce?

May mga bumilib kay Anne sa tweet niyang ito, hindi raw siya takot magpahayag ng kanyang saloobin. Pero, hindi pa nito sinasabi kung pro or against divorce siya.

May mga nagulat naman sa pagye-yes ni Robin at may na-disappoint sa no vote ni Chiz.

Nakadalawang asawa na raw si Chiz, kaya hindi nila maintindihan kung bakit ito nag-no. Tiyak may paliwanag ang mister ni Heart Evangelista tungkol dito.

Maxene, pabor din

Si Maxene Magalona pa lang sa mga celebrity ang nagpahayag nang pagpabor sa divorce. Hintayin natin kung sino pa ang mga susunod na ipaaalam na pabor sila sa divorce. “I am writing this to show my support and empathy for all of the Filipinos who feel trapped in toxic marriage and can’t find a way out-especially the ones who are experiencing abuse on a daily basis. Being forced to stay in a relationship that diminishes your self-worth will make you think less and less of yourself until you don’t know yourself anymore.  We deserve divorce.”

May pahabol pa si Maxene, “I can’t believe we are the only nation in the entire world that forbids divorce. In my humble opinion, divorce helps protect the sanctity of marriage by allowing the toxic marriages to dissolve and keeping the sacred onrs intact. I sincerely pray for peace and progress for our nation.”

Hiwalay na si Maxene sa husband niya and she’s into a new relationship. Dahil wala pang divorce sa bansa, hindi namin alam ang estado nina Maxene and her ex. Na-annulled yata ang kanilang kasal, but what is important ay pareho silang at peace ng kanyang ex.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with