Alam mo, Salve A., never na inakala ng veteran actress na si Eva Darren na magiging controversial siya at makakagawa ng ingay sa gabi ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Awards dahil sa kapalpakan ng talent coordinator sa gabi ng parangal na ginanap sa Manila Hotel nung nakaraang Linggo (May 26) ng gabi.
Mas pinag-usapan pa ang nangyari kay Eva kesa sa mga celebrity na pinarangalan nung gabing ‘yon.
Tulad sa mga lumabas na dumating na ‘yung segment na mag-a-award sila ni Pip (Tirso Cruz III), nagulat na lamang si Eva na may iba nang kasama ang actor on stage at wala man lamang lumapit sa kanya hanggang sa natapos ‘yung presentation. Kulang na lamang daw na matunaw si Eva sa kanyang kinauupuan dahil hanggang sa natapos ang event ay walang lumapit at nagpaliwanag sa kanya kung bakit ganun ang nangyari.
Isa sa mga nag-react nang matindi ay ang kapwa niya veteran actress na si Divina Valenciana who urged the the people behind FAMAS na ibalik kay Eva ang lahat ng kanyang ginastos para dumalo sa nasabing parangal.
Samantala, ngayong nasa limelight si Eva, sana’y mabigyan ito ng trabaho sa telebisyon at pelikula.
Fe de los Reyes, bumalik ng PH pagkatapos ng 31 years
Unknown to many, mala-teleserye ang buhay US-based singer-comedienne na si Fe de los Reyes na naging isa sa special guest performers ng US-based singer-songwriter na si Cecile Azarcon sa 45h anniversary concert nito sa The Theater at Solaire nung nakaraang May 24 & 25, 2024 kung saan din naging special guests sina Kuh Ledesma, Martin Nievera, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Jam Morales, Iwi Laurel, Jackie Lou Blanco, at iba pa.
Fe started her professional singing career in 1979 nang siya’y mag-audition for Music & Magic Band kung saan si Kuh Ledesma ang lead vocalist. The band was looking for female back-up vocals for Kuh at dito pumasok sina Fe, Angeli Pangilinan-Valenciano, Eva Caparas, at iba pa. Six months later, Kuh went solo at nagpatuloy ang Music & Magic without Kuh but later disbanded after their Singapore stint nung 1986. Nagsolo na rin ang ibang members ng band habang si Angeli ay nag-focus sa kanilang itinatayong Manila Genesis production at sa career ng kanyang mister na si Gary Valenciano at iba pang talents which they signed up.
In 1993 at the peak ng solo career ni Fe, she left for the US para doon na mamirmihan at 31 years na riya run with her husband na si Mario Mendoza, children (two daughters) and their grandchildren (four girls).
Fe has two step-daughters (which she also consider her own) sa kanyang husband sa previous relationship nina na sina Kristela and Andrea. Dalawa naman ang anak nila ng kanyang husband na sina Julia at Alexandra.
Hanggang napag-isipan ni Fe na meron pa rin siyang puwang sa entertainment in the Philippines kaya nagpaalam siya sa kanyang husband if she can stay longer sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang passion hindi lamang sa pagkanta kundi para na rin sa acting. She does it every once in a while sa Amerika pero iba umano sa Pilipinas na sobra umano niyang na-miss.
Fe feels lucky sa pagkakaroon ng apat na magkakaibang ina sa kanyang buhay, her biological mom, her adoptive mom, her step-mom and mother-in-law who treated her just like her own.