^

Pang Movies

Pinay fashion model Kelsey Merritt winner ang rampa sa Monaco, ka-rubbing elbows ang leading man ni Anne Hathaway at iba pang sikat

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pinay fashion model Kelsey Merritt winner ang rampa sa Monaco, ka-rubbing elbows ang leading man ni Anne Hathaway at iba pang sikat
Alexandra, Nicholas at Kelsey

Posted sa Instagram account ng English actor Nicholas Galitzine ang photo na kasama ang Pinoy fashion model Kelsey Merritt habang nasa F1 Monaco Grand Prix!

Parehas silang ambassador ng isang brand ng relos.

Si Nicholas ang leading man ni Anne Hathaway sa digital film na The Idea of You na super trending sa isang streaming platform.

Lately ay suki si Kelsey sa mga sikat na fashion event.

Luis, na-flirt

Nahagip ba ng FLiRT si Luis Manzano?

Well, na-COVID siya pero walang sinabing variant.

Nag-post nga si Luis ng antigen test result na dalawa ang guhit. Meaning, positibo siya sa virus. “Stay safe guys! Buhay pa pala tong hayerp na to,” joke niya sa caption.

At sa mga nag-comment sa kanya, ang dami nga palang nagka-COVID at kakagaling lang daw nila.

Mild lang naman daw ng epekto ng COVID ngayon, the usual ubo at sipon, pero kailangan mo pa rin daw talagang mag-isolate for more than a week.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na magsuot pa rin ng face mask upang makasiguro na hindi mahahawa ng virus.

Ayon sa mga lumabas na article na related sa FLiRT, ito ay strain ng mga subvariant ng Omicron.

KC, nagpapapayat na

Number 6 sa ‘My week thus far’ ni KC Concepcion ang “putting my weights to work! getting back to a fitness routine <3.”

Kaya naman natuwa ang fans niya na may oras na ulit si KC sa pagwo-workout.

Kailangan daw talaga ni KC ‘yun para mas maging active na siya sa showbiz.

Comelec, nagpa-sample ng touch-screen voting machine

Bilang bahagi ng proactive preparations para sa nalalapit na midterm elections, nag-collab ang GMA Integrated News at Regional TV and Synergy, at pinagsama-sama ang kanilang multimedia journalists para sa GMA Masterclass: Road to the 2025 Elections na ginanap noong May 25, Saturday sa Studio 5, GMA Network Center.

Kabilang sa mga sumali ang anchors, reporters, video journalists, program managers, station managers, and writers mula sa GMA News Manila, GMA Regional TV, GMA News Online, Super Radyo DZBB, and RGMA.

Ang nag-provide ng mahahalaga at useful information tungkol sa nalalapit na midterm national and local elections ay sina COMELEC Chairperson Atty. George Erwin Garcia, University of the Philippines Diliman Journalism Professor Dr. Rachel Khan, GMA Legal Affairs Department Assistant Vice President for Litigation & Special Projects Atty. Jose Vener Ibarra, NMI Information Security and Data Privacy Assistant Vice President Rodel Arenas, and GMA Integrated News Social Media Manager Audrey Mae Domasian.

Ipinakita ni Atty. Garcia ang overview ng 2025 midterm elections and  discussed voter education.

Nasubukan din ng ilang participants ang automated vote counting machine at touch-screen voting machine na gagamitin ng mga registered overseas Filipino voter sa mga teritoryong hindi pinapayagan ang internet voting.

Binigyang diin naman ni Dr. Khan, ang impact ng Artificial Intelligence (A.I.) sa pulitika at kung paano makaka-adapt ang media practitioners sa A.I. tools for election coverage.

Atty. Ibarra discussed election laws governing media.

Lastly, pinaliwanag naman nina Arenas and Domasian kung paano maka-detect ng deepfakes and online disinformation, and shared tools sa A.I. detection.

Hapag, may collab sa WFP

Nakipagtuwang ang Globe sa United Nations World Food Programme (WFP) para sa pagbubukas nila ng Hapag Movement sa international donors, kasunod ng paglulunsad ng collaboration sa World Hunger Day upang tutukan ang problema ng pagkagutom sa bansa.

Dahil sa positive momentum ng Hapag Movement na nabuo sa loob ng dalawang taon, ang hakbang na ito ay initiative sa global stage, na nagbibigay-daan sa Globe na magkaroon ng suporta mula sa mga individual at organization sa labas ng bansa.

So far, nagkaroon na sila ng 95,000 beneficiaries and produced 2,662 livelihood training graduates since its launch in 2022.

The Hapag Movement aims to address involuntary hunger by providing sustainable feeding and livelihood training to vulnerable families, leveraging partnerships to raise funds and reach communities. “We are privileged to collaborate with the UN World Food Programme, global leader in the fight against hunger and the largest international ally of the Hapag Movement. With their support, we are optimistic about mobilizing the global donor community to tackle the urgent issue of hunger in the Philippines,” said Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer at Globe.

Ang kagutuman ay nagpapatuloy bilang isang kritikal na hamon sa bansa. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations, halos 4 na milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng ‘di sinasadyang pagkagutom sa unang quarter ng 2024. Ang Pilipinas ay nakakuha rin ng 14.8 sa 2023 Global Hunger Index, na nagpapahiwatig ng isang “moderate” na antas ng kagutuman.

Donations can be made beginning today by visiting the Hapag Movement challenge link on ShareTheMeal.

In addition, ang mga customer ng Globe and GCash sa buong mundo soon be able to donate to ShareTheMeal through the GlobeOne
and GCash apps.

 

KELSEY MERRITT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with