Misis at Anak ni Kuya Kim, sabay NAka-graduate

Kuya Kim at Asawa

Proud husband at daddy si Kuya Kim Atienza dahil sa achievement na natanggap ng kanyang wife at anak.

Sa Instagram post ng TV host, na-share niya na nakapagtapos ang kanyang wife na si Felicia ng master’s degree in Nutrition Science, samantalang ang anak niyang lalaki na si Jose ay nakapagtapos sa Tufts University in Boston with a degree in Economics.

“Congratulations to my only son, Jose, for his Economics degree and Felicia for her MA in nutrition science at @tuftsuniversity! Today we have been blessed double. May you both. Continue to be a blessing to all you meet and work with. I am so proud of you and the family,” caption ni Kuya Kim.

Barbie, susubukan ang giyera!

Nagkuwento si Barbie Forteza tungkol sa kanyang role sa upcoming serye na Pulang Araw bilang si Adelina na isang Filipina Vaudeville performer noong panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas, at kapatid nina Teresita at Eduardo na ginagampanan naman nina Sanya Lopez at Alden Richards.

“Ang pinakanagustuhan ko sa character ko sa Pulang Araw ay ‘yung mga dress ko. Charot! Ang cute kasi ‘di ba? Ang cutie cutie. Little girl.

“Talagang tungkol talaga siya sa totoong mga karanasan nating mga Pilipino nung nag-World War ll.”

Ang Pulang Araw ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata.

Show comments