Isa sa mga hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng bansa ay ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong November 2013.
Kaya naman isa rin ito sa mga naaalalang typhoon coverage ng batikang broadcast journalist na si Atom Araullo.
Sa 100th episode ng Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ikinuwento niya ang naging karanasan niya at ng kanyang team sa ginawa nilang coverage.
Ayon kay Atom, hindi inasahan ng marami kung gaano katindi noon ang bagyo kaya’t walang nakapaghanda. Kahit ganu’n, malaking pasasalamat pa rin niya sa nangyari dahil naging mas handa na ngayon ang bansa sa pag-handle ng ganoon kagrabeng mga sakuna.
“We were all surprised by that. Nu’ng tumingin ako kasi we were on the third floor, pagtingin ko sa kalsada, lubog na lahat ng sasakyan,” sabi niya.
Naisip na nilang marami marahil ang mata-trap dahil sa baha kaya nagdesisyon silang bumaba mula sa third floor ng building kung saan sila nandoon. Sa kanilang pagbaba, nakita na nila umano ang ilang mga tao, kabilang ang mga nanay at kanilang mga anak.
Ayon pa kay Atom, hindi na dapat parte ng coverage ang pagtulong na ginawa nila ngunit dahil nandoon na rin sila, naisip ng kanyang cameraman na kumuha ng ilang shots ng mga pangyayari.
“Many times, nagkakaroon ng overlap. The decisions are not hard to make, I feel, because parang you’re both a human being and a reporter. So you kind of have to fulfill your obligations to both worlds, ‘di ba?”