Ysabel, kinabog ng ulan!

Miguel at Ysabel

Aliw naman ang nangyari kina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix sa kanilang photoshoot.

Sobrang unpredic­table talaga ng panahon kaya naman hindi talaga natin masasabi kung kailan uulan dahil sa kabila ng napakainit na panahon nitong mga araw ay biglang bumabagsak ang ulan sa iba’t ibang lugar.

Ganito ang nangyari kay Ysabel habang siya ay nagpo-photoshoot para sa isang endorsement.

Ibinahagi niya ang isang Reel kung saan maaraw pa nang simulan ang shoot niya pero kalagitnaan nito ay biglang bumagsak ang napakalakas na ulan.

“POV: kabogera ka pero mas kabogera ‘yung panahon,” caption niya sa kanyang post kung saan kinabog nga siya ng ulan.

Dali-dali nga silang tumakbo papasok ng isang building at kasama pa niya ang aktor na si Miguel kung saan naka-skirt at heels pa siya nang tumakbo nang napakabilis at makikitang mas nauuna pa siya kay Miguel na nakaalalay sa kanya.

Kinabahan pa ang mga tagahanga niya at pasalamat silang hindi ito nadulas sa basang daan.

Humanga pa nga ang netizens sa bilis ng takbo niya at ito pa raw dapat ang sinasali sa Running Man Ph dahil walang kaarte-arte at mabilis pang tumakbo.

Sa dulo ng video ay makikita rin ang Kapuso actress na si Cassy Legaspi na niyakap ng YsaGuel habang basang-basa sila.

Show comments