^

Pang Movies

Kira at Kelvin, hindi umabot sa relasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kira at Kelvin, hindi umabot sa relasyon
Kira

Bad boy ang first impression ni Kira Balinger kay Kelvin Miranda na una niyang nakita sa look test nila para sa pelikulang Chances Are, You And I.

Dumating daw si Kelvin na may suot na hikaw at naka-leather jacket pa,  kaya ang unang pumasok sa isip niya at bad boy ang aktor.

Medyo naalarma si Kira dahil may bad experience raw siya sa bad boy, pero agad ding nawala ang “bad boy” impression niya sa kapareha.

Later on, nakilala niya na very deep si Kelvin, malalim magsalita at napogihan siya. Nagkaroon ng physical attraction ang mga bida, pero nilinaw na hindi umabot sa ligawan at relasyon.

Nag-flirt lang siguro ang dalawa at comment nga ng press, baka kasama sa mga rason kung bakit naudlot ang sanay relasyon nila dahil lumabas na may girlfriend that time si Kelvin.

Nag-ingay sa social media ang GF ni Kelvin at pinalabas na cheater ang aktor, agad pumalag si Kira na hindi siya nang-agaw ng boyfriend. Nag-break sina Kelvin at GF niya that time at hindi na naging sila ni Kira.

May mga nanghinayang nga dahil Kelvin and Kira look good mapa-big screen o off camera, may kilig at chemistry sila. Sabi ng director na si Catherine “CC” Camarillo, isa ‘yun sa rason kung bakit perfect sila for the role and for the movie, “they fit.” Maganda rin ang pelikula at sana, sipagin ang tao na manood.

Sa May 29, ang showing ng movie na prodyus ng Pocket Media Films at Happy Infinite Productions. Sa May 28, ang premiere night sa SM Megamall at ang Regal Films ang magre-release at distributor ng Chances Are, You And I.

Yasmien, flooding ang anak sa social media

Ang daming photos ni baby Raya sa Instagram, ang second daughter nina Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr., hindi mahihirapan ang maghahanap kapag kailangan sa writeup.

Pinuri si Yasmien sa maagang face reveal ng anak, on the other hand, hindi masisisi ang ibang celebrity moms kung hindi agad gustong ipakita ang mukha ng baby nila.

Anyway, may magandang Mother’s Day greetings si Rey kay Yasmien at sabi, “To my beautiful wife. Thank you for loving me through the good times and bad. You are my comfort and my joy, and I am grateful to have you by my side. I am so grateful for your love and support. You make every day brighter and I am thankful to have you as my wife, and the mother of our two beautiful daughters. I love you so much!”

Sagot ni Yasmien, “Thank you Pangga. Thanks for all the love, loyalty and laughter. I love you so much!”

KIRA BALINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with