^

Pang Movies

Mother Lily, nami-miss ngayong Mother’s Day

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mother Lily, nami-miss ngayong Mother�s Day
Mother Lily.
STAR/ File

Nakaka-miss ang yearly Mother’s Day movie ng Regal Entertainment nung panahong si Mother Lily Monteverde pa ang in-charge sa lahat ng movies na produced ng kumpanya niya.

Pero ngayon, wala nang movie producer na gumagawa ng pelikula na pang-Mother’s Day. Tanging sa TV at social media na lang ang selebrasyon ng Araw ng mga Ina.

Mabuti na lang, hindi ito kinakalimutan ng mga Pinoy ang pagmamahal sa kanilang ina. Ang GMA network nga eh may special limited series na My Mother, My Story hosted by Boy Abunda na mapapanood ngayong araw, Linggo, 3:15 p.m. at sina Vilma Santos-Recto at Luis Manzano ang guests ni Kuya Boy.

Happy Mother’s Day sa lahat ng readers ng Pang Masa at Pilipino Star NGAYON!

Joaquin, pasado kay April Boy!

Pasado sa unang audition ang Sparkle artist na si Joaquin Domagoso para sa The April Boy Regino Story.

Kahapon ang second audition ng unang nakapasa at makikibalita kami kay Joaquin sa resulta nito.

Sa totoo lang, maraming nag-audition at tanging si Joaquin lamang ang natandaan naming may pangalan na artista.

Naghahanap din ng bata na tila gaganap bilang batang April Boy.

vuukle comment

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with