Consistent diumano ang pagiging pa-diva ni Gigi de Lana.
May narinig ulit akong kuwento tungkol sa ginawa niyang paghihimatay-himatayan sa isang provincial show.
Nakaka-two songs pa lang daw ito nang nag-complain na hindi maayos ang pakiramdam niya. Hanggang pagkaraan ng ilang minuto ay parang nag-collapse raw ito. Nag-panic umano ang mga staff ng isang governor dahil akala nila ay nahimatay nga ang singer.
May naka-ready umanong ambulance. Pero ayaw daw nitong magpadala sa hospital. Kaya sa hotel dumiretso si Gigi.
Pagdating naman daw sa hotel ay ok na ito.
Dahil sa nangyari hindi na raw ito nakapag-perform.
Hinayang na hinayang daw ang ilang staff sa ibinayad nilang talent fee kay Gigi at sa mga kabanda nito. Hindi na raw kasi bumalik sa stage ang singer at mga kasama.
Buti na lang daw at may ibang performers doon sa nasabing event.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakarinig kami ng ganung reklamo sa grupo ng singer na nag-umpisang sumikat noong pandemic. Meron ding kuwento na bukod dun, nagde-demand ito ng separate area ‘pag kakain sila. Ayaw diumano ng buffet, ala-carte ang gusto. Kaya doble gastos pa raw ang organizer.
Parang panahon kasi talaga ni Gigi de Lana. Very in demand siya sa mga provincial event dahil sa kanyang mga ni-revive niya na kanta.
Actually, ganundin daw sa abroad, sa mga Pinoy sa United States. Kaya naman mas mahal pa diumano ang talent fee nito kesa sa veteran performers.
‘Yun nga lang, importante rin ang attitude.
Tularan niya si Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na legend na pero andun lagi ang pagiging grateful. Wala pa sa 15% ng naabot ni Gary V. ang nararating kumbaga ni Gigi.
At isa talagang proven na sikreto sa showbiz in general ay pakikisama at pagiging grateful. Na walang masama. ‘Yung maging professional lang, ayos na. Na para rin naman sa career niya.
Si Gary V. nga kahit andyan na siya, legend na, ‘pag nag-post ka, nagpapasalamat.
Anyway, baka naman bread trip na lang talaga ang plano ni Gigi at hindi kumbaga, long-term career plan.