Pauleen, tanggap ang kinahinatnan ng katawan

Pauleen Luna at Vic Sotto
STAR/ File

Ang sweet naman ni Pauleen Luna sa mensahe niya sa mister na si Vic Sotto noong ika-70th birthday nito na tila hindi tumatanda ang hitsura.

“Happiest birthday to my BETTER HALF

“God couldn’t have chosen a better life partner for me because loving you is so easy!” bahagi ng kanyang mensahe para kay Bossing.

Biro nga ng netizen kay Vic ay ilapag na raw nito ang skincare routine nito.

Pinasalamatan din ni Pauleen ang mister na tinanggap siya nito pati ang kanyang imperfections.

“I thank Him everyday for your life and i thank you for embracing me and my imperfections. Know that you will always have me and our kids in this life. i love you!” dadag pa niya.

Samantala, ipinost naman ng misis ni Vic ang litrato niya na may caption na “Not at my best shape but embracing this body who can miraculously feed my baby. I’m grateful.”

Common knowledge na ilang buwan pa lamang mula nang ilabas niya ang second baby nila na si Thia Marceline o Baby Mochi at normal ang mga pagbabago sa kanyang katawan pagkatapos manganak.

Pero sabi nga niya tanggap niya ang katawan niya na nagpapakain sa kanyang baby girl.

Kahit ganon ay walang duda na lutang pa rin naman ang ganda ng nanay nina Tali at Mochi. Bongga.

Show comments