Vilma, may kampanya sa film restoration
Habang patindi nang patindi ang ginagawa ng mga Vilmanian para maihanay si Vilma Santos sa mga pambansang alagad ng sining, iba naman ang pinagkakaabalahan ni Ate Vi. Para sa kanya kasi iyang national artist title kung ukol bubukol lang. Hindi siya particular diyan o sa alin mang title dahil gaano karami na nga ba ang titles niya. Ang pinakamalaki ay ang Lingkod Bayan Awards ang pinakamataas na karangalang maaaring ibigay ng presidente ng bansa para sa isang civilian na naglingkod nang tapat sa bayan.
Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ate Vi ay ang pagkilos para sa restoration ng mga luma nating pelikula. Hindi mga pelikula niya dahil alam niya na marami pang mga klasikong pelikula na dapat mai-restore sapagkat ang mga iyon ay bahagi ng kayamanan ng sining sa Pilipinas.
Ngayon nagsisimula siyang manawagan sa pribadong sector na baka naman sila ay mayroong cultural funds na maaaring itulong sa film restoration. Libo pa kasi ang bilang ng mga pelikulang kailangan pang mai-restore. Noong araw nangunguna sa restoration work ang ABS-CBN pero ngayon kulang ang pondong magagamit sa restoration pero napakalimitado naman ng pondo nila.
Malaking trabaho nga ang gusto niyang haraping iyan.
Daniel, napuri sa pagdalaw sa mga aso’t pusa
Matapos na dumalaw sa isang bahay ampunan si Daniel Padilla bago pa ang kanyang birthday para magbigay ng tulong, noon namang birthday niya mismo ay dumalaw siya sa isang animal shelter sa Pampanga at nagdala ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga aso’t pusa na naninirahan sa shelter na iyon.
Mabuti at may mga shelter nang ganyan sa Pilipinas, kundi ang mga aso at pusa na nasa kanila ngayon ay kabilang na sa mga hayop na gumagala sa mga lansangan na walang makain at matirhan at posibleng mamatay na lang sa kalye masagasaan, o mapagmalupitan ng mga tao.
Pero kung sa ampunan nga ng tao ay kinakapos pa sila at wala halos nagbibigay ng donasyon lalo nang hirap ang mga animal center. Bagama’t marami rin namang animal lovers na Pinoy siguro ok lang sa kanila iyong mga alaga nila mismo pero iyong mga nasa animal welfare centers, mas bihira ang nagbibigay doon.
Kaya nga magandang example iyang ginawa ni Daniel kaysa nga naman gumastos siya kasama ang kanyang mga kaibigan na lagi naman niyang nakakasama tulungan na niya ang mga bata sa ampunan at iyong mga aso’t pusa.
Makikita mo naman sa mukha ng mga nag-aalaga ng mga hayop ang saya na nadalaw sila at hinandugan ng tulong ni Daniel Padilla, at pagdating niya roon ay kinantahan pa siya agad ng happy birthday. At makikita mong sincere ang pagbati nila kay Daniel.
Julia, ‘kailangan’ si joshua para buhayin ang career?!
Natawa kami doon sa isang video na napanood namin. Sabay na na-interview sina Joshua Garcia at Julia Barretto at nadako ang usapan sa limang taon nga raw silang magkasama sa mga project nila at hindi naman nila ikinakaila na naging mag-on sila, pero hindi raw sila nagkaroon ng kissing scene.
Si Joshua, ang unang naka-kissing scene ay si Janella Salvador, si Julia naman ang inamin na ang first screen kiss niya ay si Gerald Anderson. Pabiro pero umarteng parang nasaktan si Joshua. Kasi hindi nga ba magsyota sila at wala siyang kamalay-malay na syota na pala ni Gerald si Julia. Natural ikinaila nila iyon noong una pero nadulas na si Dennis Padilla na nagkausap sila ni Gerald at tiniyak noon sa kanya na seryoso siya kay Julia.
Aminin natin tumaas ang popularidad ni Joshua, samantalang si Julia ay bumaba dahil kung hindi bakit pa nila itatambal si Julia kay Joshua ulit?
- Latest