MANILA, Philippines — Ay oh, ibang level talaga si former governor Chavit Singson. Si Ma Dong-seok (bida sa mga pelikulang Train to Busan, The Roundup, The Outlaws, The Gangster, The Cop, The Devil, Badland Hunters, Unstoppable, Eternals, The Villagers, The Bad Guys: Reign of Chaos, Champion, at marami pang iba, ang kasama naman niya ngayon, ha!
At yes, bibisita si Ma Dong-seok sa Pilipinas, at sure ako na mag-i-enjoy siya, dahil dadalhin siya ni Manong Chavit sa magagandang lugar sa Pilipinas. At siyempre, kasunod na noon ang mga bonggang collaboration, ha!
Anyway, recently nga ang nagpunta sa Korea si Manong Chavit, kasama si Manny Pacquiao. At doon nga ay nakipag-meeting sila sa mga negosyante, pati na kina Lee Seung-gi, at Nancy McDonie ng Momoland. At ang isa nga sa dapat abangan ay ang Vagabond 2 na bida si Lee Seung-gi, na sa Pilipinas kukunan ang kabuuan ng pelikula.
Nakipag-meeting din sina Manong Chavit, Pacman kay Incheon Mayor Yoo Jeong-bok para sa mas bonggang partnership. “Korean beauty products are very good and popular in the Philippines,” sabi pa ni Gov. Chavit.
Pero, ang pinaka-rason kung bakit sila nagpunta sa Korea ay para sa electric jeepneys sa Pilipinas. “The major purpose of our trip here is about (bringing in) electric vehicles to the Philippines,” sabi ni Singsong. Alam ni Manong Chavit na ang Korea ang perfect business partner ng Pilipinas, dahil bukod sa malapit, o halos magkapit-bahay lang, halos pareho rin ang kultura, at siyempre, maraming Pinoy ang adik sa mga serye at pelikula ng Korea.