Selyado na!
Sinelyuhan na ng ABS-CBN at ALLTV ang kanilang collaboration dahil kahapon, Martes, isang content agreement ang pinirmahan ng ABS-CBN at Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
Sa agreement, simula sa May 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang selected all-time favorite Kapamilya shows mula sa Jeepney TV mula umaga hanggang gabi matapos ang TV Patrol newscast.
Present sa contract signing sina Manny Villar, chairman of Villar Group, Sen. Mark Villar, Vistaland and Lifescapes Inc. president and CEO Paolo Villar, All Value Holdings Corp. President and CEO Camille Villar. Representing AMBS sina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.
Representing ABS-CBN naman sina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Rick Tan, at Bobby Barreiro.
May bagong contents ding ilalabas ang ALLTV ngayong Mayo.
Hindi na nga yata kailangan ng ABS ang bagong franchise dahil sa collabs nila sa iba’t ibang networks at malaki rin ang kinikita nila, huh!
Eh sa Net 25 kaya may Kapamilya shows din tayong mapapanood?
Ice, may pinatunayan kay Vic
Basta para sa tatay-tatayan niyang si Vic Sotto, gagawin lahat ni Ice Seguerra. Pinatunayan niya ‘yan noong birthday celebration ni Vic sa Eat Bulaga kung saan binihisan siya bilang babae!
Eh papalitan sana ng staff ng Bulaga ang name niya pero nang makita ni Ice ang hitsura niya bilang babae, “Huwag na! Kahit anong anggulo, kamukha ko si Caring (nanay niya)! Hahaha!” pahayag ni Ice sa guesting niya sa Marites University.
May sarili na ngang buhay si Ice at bahagi ng buhay niya ang partner na si Liza Diño. Kung si Ice ang nasa artistic side, si Liza naman ang nasa other side.
Kaya sa coming concert ni Ice sa Music Museum sa May 10 and 11, ang Ice Seguerra Sings Karaoke Hits, lahat ng ito ay mula sa konsepto ng minamahal niyang si Liza.
- Latest