Ria, sa Amerika manganganak?!

Zanjoe Marudo at Ria Atayde

MANILA, Philippines — Ang buong akala namin, kasama ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ang bagong kasal na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na nagbakasyon sa Canada.

Sina Ibyang lang pala ang nasa Canada, at nakabalik na sila sa Pilipinas.

Sina Ria at Zanjoe pala ang nasa Amerika na ang duda namin ay doon manganganak ang aktres.    

Wala pa rin naman may nag-confirm kung totoong buntis nga si Ria.

Sinasagot naman ako ni Sylvia kapag kinukulit ko siya, pero pagdating sa tanong kung ‘buntis’ ay mas mabuting sina Ria at Zanjoe na lang daw ang tanungin ko. Hindi naman niya dini-deny.

Pero sa huling post ni Ria at Zanjoe sa kanilang Instagram account, halata na ang malusog na pangangatawan ng aktres.

May kuha silang nasa Joshua Tree National Park at halatang malaki na ang tiyan ni Ria pati ang kanyang balakang.

Tinanong namin ang ilang taong malapit sa mag-asawa kung totoong doon siya sa Amerika manganganak. Wala raw silang alam.    

Sa pagkakaalam daw nila ay pabalik na rin sila ng bansa. Bakasyon lang daw talaga sila sa Amerika.

Kung totoo ngang buntis na si Ria, hangad namin ang kanyang safe na panganganak.

David, may ipasusunog sa ilong para makatulog na ng normal

Matagal na palang iniinda ng Pambansang Ginoo na si David Licauco ang problema niya sa pagtulog dahil sa kanyang Sleep Apnea.

Nahihirapan raw siya, at hindi naman talaga dapat ipagwalang bahala lang itong Sleep Apnea.

Kaya nakatakda na siyang operahan. Pero madali lang daw itong gagawin sa kanya.

“Yung sa akin, ang gagawin lang, parang radio frequency. Parang susunugin yata iyung part ng nose ko sa loob,” pakli ni David nang nakapanayam ito sa nakaraang media conference ng pelikula G! LU na sobrang tagal na nilang ginawa.

“So para mas may malaking airway, di ba, yung breathing room ko.”

“Kasi before, ang alam ko kasi, iyung operation, dapat talagang one month iyung recovery,” lahad ni David.

“When I got myself checked up siguro a week before I left for Canada, sinabi na meron palang procedure na ano lang… puwedeng 15 minutes lang yung procedure.

“Tapos iyung down time, one day lang. Pero kasi, RF iyun. So iyun ang gagawin ko.

“Hopefully makatulong. Kung hindi… dead na tayo!” pabirong pahayag ni David.

Sa April 24 na ang showing ng G! LU, tampok si David kasama sina

Teejay Marquez, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Enzo Pineda at Ruru Madrid.

Show comments