Hindi napigilan ni Bossing Vic Sotto na umiyak sa 70th birthday surprise ng Eat Bulaga kahapon.
Kumpleto ang kanyang pamilya, mga anak, maliban kay Pasig Mayor Vico Sotto.
Sa umpisa pa lang ng programa ay gulat na si Bossing Vic hanggang dumating na sa highlight – lumabas na ang kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Paulina, Tali and Mochi at misis na si Pauleen Luna.
Naghandog ng kanta ang manugang niyang si Kristine Hermosa-Sotto at apong si Ondrea (anak nila ni Oyo).
Ganundin si Tali na talagang bantay ni Pauleen Luna.
Pulos pasasalamat ang pagbati nila sa ‘lider’ ng pamilya.
Pahayag ni Pauleen : “I don’t know if I say it enough but maraming salamat for all the love, sa lahat ng pagmamahal, sa lahat ng pag-aalaga. Ikaw ang leader naming lahat. Thank you for leading us to the right path, to Lord. Maraming salamat dahil palagi mo kaming inaalala at iniisip. Ang panalangin ko para sa iyo, at hindi lang ngayong birthday mo, araw-araw, sana biyayaan ka ng Diyos ng malakas na pangangatawan, wisdom, a long long long life. But I pray for a happy and a peaceful life with you. Thank you. I love you.”
Pero joke ni Vic, ayaw niyang umabot ng 100, 99 lang daw.
Pagbati naman ni Tali : “Thank you, dad. Happy birthday. Daddy, I love you. I pray for you all the time. I love you.”
Dala rin ni Pauleen si Mochi na very showbiz, hindi umiyak the entire time na andun sila hanggang sa tawagin sila sa stage.
“Isa ito sa mga pinakamasaya kong birthday at pinaka-meaningful kumbaga. I appreciated highly. Salamat salamat,” sabi ni Bossing Vic nang sandali naming makausap pagkatapos ng celebration.
Hanggang natanong na siya sa pananahimik sa bangayan ng fans sa noontime shows?
“Alam mo, hindi kasi ako ma-social media eh. Mga naririnig-rinig ko lang pero part of the game ‘yan. Kasama sa buhay ‘yun eh. Iyong nagpapasaya ng araw-araw natin eh. Mga manonood, mga nagkokontrahan, kasama sa ano ‘yun... kasama sa hanapbuhay ‘yun,” sagot ni Bossing.
Pero sino ba talagang sinasabing kaaway ng Eat Bulaga?
“Never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban pero kaaway? Iba ‘yung kaaway namin. Iba ‘yung kaaway sa kalaban eh. Iyong kalaban it could be a friendly competition. It’s always been that case ‘no with Eat Bulaga and Showtime. Ilang taon na kaming magkatapat. Mananalo kami, mananalo sila. Iyon ang nagpapasaya ng tanghalian ng [mga] Pilipino eh,” pahayag pa ni Bossing sa ilang miyembro ng entertainment media.
“Ako naman personally naiintindihan ko na trabaho lang ‘yun pero ‘yung kaaway iba ‘yun. Hindi ko babatiin ‘yun.”
Pero anong masasabi niya sa mga troll o basher?
“Lilipas din ‘yan eh. Ako naman ‘yung mga troll na sinasabi, ako’y may panlaban dun, scroll. Scroll muna. Balewala na lahat ‘yun.
“Iyong fans, ‘yung mga nagbabangayan, pero at the end of the day dapat masaya lang tayo,” nakangiti pang sagot ni Bossing Vic.
Pero anong take ni Bossing sa fake news?
“Matalino na ang mga kababayan natin ngayon, alam nilang fake news ‘yun. At hindi naman tumatagal. After a while, labas na rin ang katotohanan.”
Natawa naman siya nang tanungin kung hindi ba siya maglalabas ng record ng BIR tulad nina Tito Sotto and Joey de Leon.
Pero totoo ba na half a billion ang kinita ng Eat Bulaga in just six months? “‘Wag kayong mag-aala nagbabayad kami ng tax.”
Pero aniya “wala akong alam dun. Basta ang alam ko nakakapagpasaya tayo, nakakatulong tayo kahit papaano at masaya ako sa ginagawa ko at ‘yun ang importante.
“Ngayong ‘senior’ na ako, mas lalo ko pang pasasalamatan ang lahat ng mga tao.”
Anong regalo mo sa sarili mo this year?
“Regalo? Wala. Ito na. Kami kasi hindi kami maregalo eh. It’s more of araw-araw na buong taon kayong nagreregaluhan ng pagmamahal.”
What are you most grateful for?
“Gift of family. Gift of friends.”
Bukod sa pamilya ni Bossing Vic, loyal Dabarkads across the country and around the world collectively greeted Eat Bulaga’s beloved Bossing a happy 70th birthday.
Pinagsama-sama nga noong longest-running Philippine noontime show ang isang hindi malilimutang episode noong Sabado, Abril 20, upang markahan ang isang espesyal na milestone hindi lang para kay Bossing Vic kundi maging sa buong pamilya ng Eat Bulaga at sa kanilang legion of supporters.
Minahal si Bossing Vic ng milyun-milyong manonood sa ilang henerasyon. Mula sa pagiging isa sa mabigat na TVJ trio na nagsilang ng Eat Bulaga mahigit 44 na taon na ang nakararaan hanggang sa kanyang mga top-rating na sitcom at blockbuster na pelikula na nagpatibay sa kanyang katayuan bilang isang haligi ng Philippine show business.
Bilang isa sa mga founder ng show, ang kanyang mga kontribusyon sa programa at sa entertainment industry ay naging dahilan upang hindi mapapalitan si Bossing Vic sa puso ng marami.
Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagpapasalamat ang EB fans at ang Solid Dabarkads sa kanyang leadership, guidance and passion for bringing not just laughter but good fortune to so many people in the various barangays EAT Bulaga visits every day.
For decades, the Dabarkads – a term of endearment used among the EAT Bulaga hosts and their supporters – have stood by each other through thick and thin, creating unforgettable moments that touched the hearts and lives of millions of viewers nationwide. Their unwavering dedication to the show and to each other epitomizes the strong bond forged through years of true friendship and loyalty.
Kasunod ng selebrasyon ng kaarawan ni Bossing Vic, inihayag din ng TVJ Production na isinasagawa na ang paghahanda para sa nalalapit na grand 45th anniversary special ng programa.
Sa paglipas ng mga dekada, ang palabas ay naging higit pa sa isang programa sa telebisyon, ito ay naging simbolo ng pagkakaisa, pagiging positibo at pagmamahal sa mga Pilipino.
Eat Bulaga airs weekdays from 12:00pm to 2:30 pm and Saturdays from 11:30am to 2:30pm on TV5 and RPTV.