Herlene, araw-araw na ulit may trabaho
Bukod sa Kapuso action series na Black Rider, mapapanood na rin si Herlene Budol bilang bagong host ng variety-game show na TikToClock.
Ayon kay Herlene na first love talaga niya ang hosting.
“Akala ko nung una trial lang po eh. Pero ngayon, tuluy-tuloy na raw po ‘to. First love ko po ‘to. Hindi ko rin po kasi talaga in-expect dati na magiging host ako. Ngayon, parang nagpa-flashback po sa akin ‘yung mga bagay-bagay noon,” sey niya.
Kaya araw-araw nang napapanood si Herlene bago magtanghalian at tuwing hapunan sa GMA.
Rachel, na-depress nang ‘di magkaanak
Inamin ni Rachel Alejandro na hindi niya pinili ang hindi magkaroon ng anak. “It wasn’t something I chose. It just happened that way,” sey niya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para kay Rachel, ang buhay ay isang serye ng mga pagpipilian.
“Pinipili mo ‘yan, everyday, hanggang one day, you wake up and you’re too old to have a baby,” ayon sa singer-actress.
Pag-amin niya, naging “depressed” din siya noong pandemic.
“I said, ‘wait. What did I do with my life? I questioned my choices and one of them was having a family.
“I thought na parang, would my life have more meaning if I had kids? At least meron akong iniisip, iniintindi ngayon na wala akong work,” sey niya.
Ikinumpara niya rin ang kanyang buhay sa mga magulang na hindi rin malaman ang gagawin noong mga panahong iyon.
“Granted they probably drove them insane, nagkakagulo sila sa bahay pero may purpose sila. Samantalang ako, nanonood lang ako ng series,” natatawa niyang sabi.
Ikinasal si Rachel sa Spanish journalist na si Carlos Santamaria noong 2011. Ayon kay Rachel, ang kanyang asawa ang mas sigurado na ayaw na magkaroon ng anak.
- Latest