Bong, road to recovery na!

Sobra ang dedication ni Bong Revilla sa trabaho. Imagine n’yo na napilay siya dahil sa isang eksena sa ginagawa niyang pelikula, ang Alyas Pogi, napunit ang kanyang Achilles tendon at kailangan talagang operahan ang talampakan niya dahil dislocated at ilang ugat na affected.

Ganito kasi ka-focus si Bong Revilla ‘pag meron siyang trabaho kaya naman hindi kataka-taka na kung minsan nasasaktan siya sa ilang eksena.

Ok naman siya pero kailangan niyang magpahinga.

Isang bagay masasabi mo kay Bong, very professional siya pagdating sa trabaho kaya wala kang mapintas sa kanya.

Saka ayaw niya na maapektuhan ang takbo ng shooting at ang sked ng mga kasamahan niyang artista.

Talagang ganun niya kamahal ang kanyang propesyon. Hindi kataka-takang hanggang ngayon ganun pa rin ang kinalalagyan niya, dahil na nga sa ipinapakita niyang professionalism sa kanyang career.

At base sa kanyang post ay tapos na ang kanyang surgery. Nagpasalamat siya sa mga nagdasal para sa kanya at road to recovery na siya.

Sana ay gumaling ka agad, Bong. Bongga.

Show comments