^

Pang Movies

Mikee, tuloy ang laban sa P8 million na na-scam!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mikee, tuloy ang laban sa P8 million na na-scam!
Mikee Quintos at Paul Salas

Ongoing pa rin ang syndicated estafa case na isinampa ng magdyowang Mikee Quintos and Paul Salas laban sa mga taong umano’y nanloko sa kanila on cryptocurrency investment.

Matatandaang naghain ng reklamo ang celebrity couple noong October 2023 laban sa crypto group na tumangay umano sa kanilang pera na nagkakahalaga ng P8 million.

Sa panayam ng aktres sa Updated with Nelson Canlas podcast, umaasa raw siya na mababawi nila ang perang in-invest.

“Sana, sana naman nakakapag-reflect na sila. And ongoing naman ‘yung mga kaso namin. Let’s see how it goes,” aniya.

Nasa point na raw sila ng kaso na nagharap na sila sa piskalya.

“Nakaabot na kami sa part ng case na kinailangan naming humarap sa piskal. Nakita ko na sila,” aniya.

Kung bakit umabot sa ganu’n kalaking halaga ang nakuha sa kanila, ayon kay Mikee ay nakuha raw kasi ang kanilang tiwala dahil sa simula ay nakakakuha sila ng pera.

“‘Yung deal namin na ‘yun was like monthly compounding 5% ‘yung kikitain du’n sa kung magkano ‘yung amount na i-invest mo.

“Tapos na-pull out ko, mabilis, dumating sa akin ‘yung money. Okay. So, it was a good deal. Parang ‘yun nga, if you count it all, ‘yung good experience with the company was around three to four years,” kwento ni Mikee.

“Until itong pinakahuling big chunk of investment namin, tinakbo na niya. Biglang naging MIA (missing in action), hindi na nagre-reply. And then, later on, a few months later, we found out, lahat pala ng mga projections ng crypto na sine-send niya sa amin pag nagpe-present siya was curated and photoshopped,” patuloy niya.

Doon nga rin nila na-realize na taktika lang pala ang pagbibigay sa kanila sa simula ng pera para mag-invest pa sila ulit ng mas malaki.

“Kung kailan buo na ‘yung trust mo kaya nagbigay ka ng bigger amount, doon niya pala itatakbo. ‘Yun pala tactic niya. Mag-aalaga siya ng mga bago ng ilang taon tapos… hay!” sabi ni Mikee na halatang dismayado pa rin.

Karamihan nga raw sa mga biktima ay mga batang Pilipino na edad 22-23 years old.

In-expect na rin daw nila na may tatawag sa kanila ng tanga or greedy matapos nilang i-reveal ang nangyari sa kanila.

“Pero ‘pag ‘di kasi tayo nagsalita, lalo lang nilang gagawin, eh,” aniya.

Aminado si Mikee na pinagsisisihan niya na hindi niya ipinag-pray bago siya nag-invest.

“Ako, isa lang pinagsisisihan ko, feeling ko, doing that decision kasi, hindi ko pinag-pray ‘yun. Hindi ko pinag-pray. Hindi ko pinag-pray bago ako nag-invest. Pray muna before any big decision. Para makakuha ka ng sign from God kung tama ba ‘yung ginagawa mo or not. Iyon ‘yung biggest lesson ko.”

Sen. Bong, matagal ‘di makakatrabaho

Natuloy na ang operasyon sa paa ni Sen. Bong Revilla kahapon base sa kanyang latest update sa Facebook.

Matatandaang sa kanyang FB rin unang ibinalita ng aktor/pulitiko na nagkaroon siya ng injury sa first shooting day ng comeback film niyang Alyas Pogi 4 few days ago. Dahil sa bilis ng kanyang takbo ay napunit daw ang kanyang Achilles tendon at kailangang sumailalim sa operasyon.

Sa video na ipinost ni Bong ngayong araw ay makikitang inihahatid siya ng kanyang pamilya sa operating room. Naroroon of course ang asawa niyang si Congresswoman Lani Mercado, ang kanilang mga anak at kapatid na si Rowena.

“Papa, kaya mo ‘yan,” ang pagbibigay ng lakas ng loob ni Lani sa mister.

“Kayang-kaya ‘to,” paninigurado naman ni Sen. Bong. “I’m just disappointed dahil hindi ako makakapag-workout nang matagal,” dagdag niya.

He assured na okay naman siya pero nalulungkot lang daw siya dahil nakaplano na ang gagawin niya for the year. Kabilang na nga rito ang pag-iikot niya sa buong bansa para sa kanyang kandidatura sa darating na eleksyon. Pero sinigurado niya namang hindi ito makakaapekto sa kanyang pagtakbo.

“Pray for me,” sey pa niya. “Malayo sa bituka ito pero ‘yung healing time po ang medyo matagal.”

PAUL SALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with