^

Pang Movies

Alden, may offer na pelikula kay Vilma

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Alden, may offer na pelikula kay Vilma
Alden Richards at Vilma Santos

May nagtatanong kay Star for All Seasons Vilma Santos kung may posibilidad na gumawa sila ng  pelikula ni Alden Richards. Nagsimula iyan nang may mga picture silang dalawa na kumalat na kuha nang magkita sila sa anniversary ng MOWELFUND.

“Marami nga ang nagtatanong sa akin, maski na si Alden nagsabi sa akin na ‘gumawa naman tayo ng pelikula.’ Tapos sabi pa niya sa akin ‘I can produce it.’ Sabi ko naman sa kanya, send me a script at tingnan natin kung puwede. Kasi ako talaga, naka-base ang desisyon ko sa script ng pelikula, kasi nabi-visualize ko more or less kung ano ang kalalabasan ng pelikulang gagawin ko pag binasa ko na ang script.”

May pelikula na ba siya para sa susunod na Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Noong isang taon ay kabilang ang When I Met You In Tokyo sa pinilahang pelikula sa takilya.

“May mga script pero hindi ko alam, depende naman kasi iyan sa producers kung isasali nila sa festival o hindi. Kami umaarte lang kami, kung kailan nila gustong ipalabas ang pelikula, sila na ang bahala.

“Katulad nung lagi kong sinabi, ngayon hindi naman ako gumagawa ng pelikula para kumita. Gumagawa ako ng pelikula na gusto kong gawin.”

KC, kinilig sa KathDen

Nag-comment pala si KC Concepcion sa pelikulang Hello Love Goodbye na pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Iyan ang pelikulang kumita nang halos isang bilyon sa takilya at kung susumahin ang dami nung nanood ng sine base sa admission prices nang ipalabas ang pelikula, makikita na iyan pa rin ang biggest hit in the history.

Sabi ni KC, “kinilig, tumawa, umiyak, nagka-hope, naka-relate” ang maikli niyang comment.

Bagama’t si KC ay isang artista rin, siya ay isang viewer. At isipin ninyo ngayon lang siya nagbigay ng obserbasyon sa isang pelikula.

Kung iisipin, mas kapani-kaniwala ang sinabi ni KC kaysa sa maraming mga kritiko ng pelikula. Kasi iyong kanya ay isang honest comment. Hindi gaya ng iba na akala mo napakatalino na sa pelikula wala namang alam.

Nora, gustong buhayin ang Bona

Pumayag daw si Nora Aunor na gawin ang sequel ng pelikula niyang Bona?

Siya ang bida sa pelikulang iyon noong unang gawin at siya rin ang producer, kaya’t malamang nasa kanya ang copyright.

Hindi maikakaila na ang isang pelikula ay nananatiling intellectual property ng director noon na siyang tunay na filmmaker, Ang gumawa ng pelikula ay ang yumaong director na si Lino Brocka. Hindi na nga siguro makapaghahabol si Brocka kung gawin man nila iyan, pero ang hindi maganda, kung hindi nila mapantayan ang Brocka classic movie, masisira lang ang record nito.

Bakit hindi na lang sila gumawa ng ibang pelikula, ba’t ‘yung sequel pa ng Bona ang gusto nilang gawin?

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with