^

Pang Movies

Sofia niregaluhan ng kotse ang sarili

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sofia niregaluhan ng kotse ang sarili
Sofia Pablo

Niregaluhan ni Sofia Pablo ang sarili ng bagong sasakyan noong mag-18 siya last April 10.

Sa Instagram, nag-post ang Sparkle teen star ng larawan habang nasa tabi ng puting sasakyan na may malaking red ribbon.

Caption pa niya: “Passenger princess era almost over. Happy birthday indeed.”

Ibig sabihin ay si Sofia na ang magda-drive ng new car niya dahil nasa legal age na siya para magkaroon ng driver’s license.

Ibinahagi rin niya ang kanyang 18th birthday video shoot na ginawa sa Taipei, Taiwan.

Nakatakdang namang magbida sina Sofia at ka-loveteam na si Allen Ansay sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail kung saan kasama rin sina Will Ashley, Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Al Tantay, at Ayen Laurel.

Carl Guevarra dalawang beses naudlot ang relasyon sa isang aktres

Kinuwento ng lead vocalists ng bandang The Juans na si Carl Guevarra na may binubuo siyang song titled BTNS o Bakit Nangyari ‘To Sa ‘Tin dahil sa kanyang karelasyon noon na female celebrity. 

Pero hindi raw niya matapos ang awit dahil hindi na nag-work out ang kanilang relationship. Naudlot daw ang relasyon nila dahil nalaman niyang may boyfriend na pala ito. Nagulat siya na ang kaibigan pa raw niyang male celebrity ang boyfriend ng girl.

Noong naghiwalay ang female celebrity at boyfriend nito, muli niyang kinontak ng girl. Pinagsisihan nga raw ni Carl kung bakit pa siya nakipagbalikan dito.

“‘Yun ‘yung lesson ko. Red flag ‘yun pero in-ignore ko because what felt good to me was more important to me during that time. Naging marupok ako,” sey ni Carl.

Bigla na lang daw nabalitaan ni Carl na may karelasyon na pala ulit si girl na isa pang male celebrity.

“Nagulat ako na one time, may nakita kaming article ina-announce na she is with another person and they are official. It’s out here. They are celebrated. They’re a love team,” kuwento pa ng singer na natuto na sa twice na pagkabigo sa isang babae.

Nega emotions, kailangan ayon kay Taylor

Bago i-drop ang latest studio album ni Taylor Swift na The Tortured Poets Department on April 19, maglalabas ang Apple Music ng series of playlists tungkol sa heartbreak, denial, anger, bargaining, depression, and acceptance. Meron ding masterclass in Emotional Intelligence ang singer.

Each playlist, with titles like I Love You, It’s Ruining My Life Songs and Old Habits Die Screaming Songs, ay may story with “unfiltered look at the emotional journey of heartbreak.”

Ayon pa kay Taylor: “This isn’t just about selling records. It’s about connecting on a deeply human level, acknowledging that negative emotions arent just normal; theyre necessary.

SOFIA PABLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with