Na-ICU (intensive care unit) pala ang anak ni Janella Salvador dahil sa pneumonia.
Ito ay ayon sa manager niyang si Manny Valera na nakausap namin kahapon sa media conference ng pelikulang Guilty Pleasure starring Lovi Poe, JM de Guzman and James Blakeson.
At isa raw ito sa rason kaya hindi matutuloy ang 10th anniversary concert ng kanyang alaga.
Naintriga na usad pagong ang bentahan ng ticket ng concert ni Janella kaya hindi ito itinuloy.
Pero ayon kay Direk Manny disturbed si Janella nang ma-hospital nga ang anak kaya hindi ito nakapag-rehearse at nakapag-promote. “Number one, nagkasakit ‘yung anak niya,” umpisa ni Direk.
Anong sakit? “Pneumonia ba… pneumonia, basta nagkasakit and he needed to be hospitalized at St. Luke’s. Nag limang araw sa ICU. Yeah, sa ICU so syempre disturbed ang utak. Aside from the s’yempre you missed the band rehearsal. Number two, she also missed the ‘yung mga mall show. Nag-pack up kami ng apat o lima kasi hindi siya maka-focus dahil ang utak niya sa anak niya ‘di ba.
“Nandoon ‘yung anak niya sa hospital. And then after 4-5 days nag-regular room na ng mga two days basta. One week siya sa hospital,” paliwanag pa ni Direk Manny na line producer din ng Regal Films.
So kelan matutuloy ang concert?
“Nagta-target kami base sa last usapan namin September kasi gustong tapusin ni Janella ‘yung responsibilities niya sa number one, kasi until now may promo pa rin ng Mallari abroad.
“Sa Singapore ganyan ganyan. E bilang mabait tinutupad niya ‘yung trabaho ng isang artista ng Mallari. So nao-occupy ‘yung oras niya and then syempre pinasok na namin ‘yung matagal nang nabinbin na schedule na How to Be A Good Wife with Jane de Leon,” katwiran pa ni Direk kung bakit nga naudlot ang concert ni Janella.