Sampung taong tumakbo ang kasong graft sa aktor at former chairman ng Optical Media Board na si Ronnie Ricketts.
Taong 2010 noong kasuhan si Ronnie ng “mishandling of seized pirated DVDs and VCDs.”
Na-acquit siya ng Supreme Court noong 2022.
Inamin niya na sobrang sumama ang loob niya dahil sa pinagdaanan niyang iyon.
“Pero the funny thing, hindi na masyadong na-news ‘yung acquittal eh. Pero nung ako ‘yung natalo noong una, grabe banat sa ‘kin left and right. So ang sama ng loob ko noon,” sey ng aktor.
Ayon naman sa misis niyang si Mariz, naapektuhan daw nang husto si Ronnie at mas lalo raw tumibay ang pamilya nila dahil sa nangyari.“‘Yun din ang nagpatapang sa ’kin kasi nakita ko gaano ka apektado si Ronnie and, really, he was so, so sad, Naawa ako sa kanya,” sey ni Mariz.
Ngayon daw ay hindi ini-entertain ni Ronnie ang ilang imbitasyon sa kanya sa politics. Tumakbo noon for congressman ang aktor sa Muntinlupa, 2016. “Nagka-phobia ako. Actually, may offer sa ’kin bumalik, pero ganu’n lang kayang sirain pangalan mo,” diin pa niya.
Pero hindi naman daw totally sinasara ni Ronnie ang pintuan for public service.
Kapuso babe, jowa ng anak nina Dudut at Mikee
Ang Sparkada babe na si Caitlyn Stave pala ang girlfriend ng anak nina Dudut Jaworski at Mikee Cojuangco na si Rafael Jaworski.
Kaya pala nahilig ito sa horseback riding/racing dahil sa influence ni Mikee na isang award-winning equestrian.
Sa isang post ni Caitlyn, nagpasalamat ito kay Mikee sa mga tinuro sa kanya noong mag-compete siya kamakailan sa Kaamulan National Horse Show and Competition 2024 sa Malaybalay City, Bukidnon.
“Thank you so much for teaching me English riding basics, Tita Mikee!! Will make sure to bring my boots & helmet next time. Looking forward to riding with you & learning from you again soon,” caption ni Caitlyn na napapanood din sa GMA Prime series na My Guardian Alien.
Italian designer, pumanaw sa edad na 83
Pumanaw na ang sikat na Italian designer na si Roberto Cavalli sa edad na 83.
Sa Instagram, nag-post ng official statement ang kanyang fashion house: “A life lived with love. It is with great sadness that today we say our final goodbyes to our founder Roberto Cavalli. From humble beginnings in Florence, Roberto succeeded in becoming a globally recognised name loved and respected by all. Naturally talented and creative, Roberto believed that everyone can discover and nurture the artist within themselves. Roberto Cavalli’s legacy will live on via his creativity, his love of nature and via his family who he cherished.”
May anim siyang anak mula sa kanyang partner na si Sandra Bergman Nilsson.
Pinasikat niya noong ‘70s and ‘80s ang bold exotic prints. Noong ‘90s naman, sumikat ang kanyang sand-blasted jeans.
Ilan sa mga naging paboritong isuot ang creations niya ay sina Victoria Beckham, Beyoncé, Jessica Simpson and Naomi Campbell.