50th MMFF, dadalhin sa Hollywood!
Except for the official entries na pipiliin pa lamang, nakalatag na ang paghahanda ng 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival on Dec. 25, 2024 up to Jan. 7, 2025 sa pangunguna ng chairman ng MMFF na si Atty. Romando Artes kasama ang MMFF Execom.
Ibabalik sa Manila ang Parada ng mga Artista on Dec. 15, 2024, at sa Metropolitan Theater naman gaganapin ang Gabi ng Parangal on Dec. 27, 2024 kaya todo ang paghahanda ng Manila bilang host city na pamumunuan ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Sa darating na May 15, 2024 ang deadline ng submission ng Letter of Intent, at sa June 15, 2024 naman ang submission ng scripts at iba pang required documents. Sa Sept. 30, 2024 naman ang pagsumite ng finished films based on scripts submitted.
Kung umabot sa P1B ang 49th MMFF nung isang taon, inaasahan na malalagpasan pa ang gross receipts ng 50th anniversary ng MMFF.
Ang mapipiling official entries sa 50th MMFF ay dadalhin sa Hollywood, California for the 2nd Manila International Film Festival.
Although hindi pa kumpirmado, may nabalitaan kami na ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay nakatakda umanong ilahok sa MMFF this year.
Direk Joey, nag-umpisa na sa FDCP
Official nang nanumpa bilang bagong chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes bilang kapalit ng nag-resign na si Tirso Cruz III, who personally endorsed Direk Joey Javier Reyes for the position.
Direk Joey served as technical assistant to former FDCP chairman-CEO na si Tirso Cruz III who resigned from the position for personal reasons.
Ayon kay Pip (Tirso), very much qualified umano ito for his new position na very passionate at committed sa kanyang trabaho.
- Latest