Kinumpirma ni former Ilocos governor Chavit Singson na sa bansa magti-taping ng sequel ng 2019 South Korean television series starring Lee Seung-gi, Bae Suzy and Shin Sung-rok na Vagabond.
Sa opening ng bagong branch ng BBQ Chicken sa Ayala Feliz, ay sinagot nga ng businessman na kabilang siya sa magpo-produce ng sequel ng Korean drama series.
“Meron, ‘yung series na very popular sa Korea, Vagabond. Itutuloy dito. Nakatapos na sila, tapos ‘yung continuation, dito na sa Pilipinas,” sabi ni Mr. Singson na naging apologetic nang ‘di raw sinadyang napunta sa EDSA bus lane ang kanyang convoy.
Dagdag niya, “tinatapos muna ‘yung istorya para may susundan sila. Unlike other na ‘pag gumawa, hinuhulaan kung saan susunod, ‘yun ayaw nila, gusto nila kumpleto ‘yung istorya.”
Producer po ba kayo rito?
“Makakasama sa production dahil niyayaya nila ako.”
Business partner ni Mr. Singson si Lee Seung-gi – marami silang negosyo at kasama rito ang Little Seoul na itatayo sa Metrowalk.
Anyway, hindi pa raw niya nabibigay ang P100,000 na reward sa traffic enforcers na humuli sa kanyang armored car sa northbound lane ng EDSA Carousel sa Cubao noong Lunes ng tanghali.
Ayon sa controversial businessman, “Congratulations to the MMDA enforcers who accosted my convoy. I am not angry. I will even give them cash incentive,” sabi niya pagkatapos ngang mahuli ang kanyang armored car na worth P18 million pala at parang siya lang ang may ganung sasakyan sa Pilipinas.