Kyline, sinagad ang bakasyon!
Balik-taping na si Kyline Alcantara para sa upcoming GMA teleserye na Shining Inheritance pagkatapos ng kanyang one-week vacation sa Camarines Sur.
“I’m looking forward to working again with incredible co-stars kasi, again, wala pong halong showbiz, lahat po talaga kami dun napakasarap po katrabaho,” sey ni Kyline.
Kasama niya sa teleserye sina Kate Valdez, Michael Sager, Paul Salas, Roxie Smith, Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles at Ms. Coney Reyes.
Sinulit niya ang kanyang bakasyon kasama ang pamilya sa Bicol noong nakaraang Holy Week. Nakapag-recharge nga raw ang aktres dahil nakapag-relax ito sa beach kunsaan nag-bonding sila ng kanyang pamilya.
Isa sa pinaka-highlight ng trip niya ay ang pagkain niya ng mga na-miss niyang local delicacies ng Bicol tulad ng Bicol Express, Laing at isdang Kuwaw na sa Sorsogon lang nahahanap at tuwing Holy Week lang ito lumalabas.
Jon, pinaghandaan si Ruru
Pagkatapos mamatay ay muling nabuhay ang kontrabida character ni Jon Lucas na si Calvin sa Kapuso action-serye na Black Rider.
Sa muling pagbalik niya sa naturang serye, mas pinaghandaan niya ang mga magiging maaksyong eksena nila ng bida na si Ruru Madrid.
Ayon kay Jon, isa sa mga preparation niya para para sa action scenes nila ay matinding training.
“Pagdating sa telebisyon, para mas maging makatotohanan, kailangan cinematic din ‘yung suntok na hindi po naituturo ‘yun sa boxing.
“Mas kailangan talaga stamina, mas kailangan ‘yung proper breathing para hindi rin po agad napapagod kasi maraming shots, so kapag alam niyo po ‘yung technique, medyo nababawasan ‘yung pagod.”
Paris Hilton, aayuda sa inabusong American boys!
May misyon ang Hollywood socialite na si Paris Hilton na tulungan ang ilang American boys na nakakaranas ng pang-aabuso sa boarding school na Atlantis Leadership Academy sa Jamaica.
Nasa proteksyon na raw ng Jamaica’s Child Protection and Family Services Agency ang boys ages 14 to 18. Under investigation na ang founder ng school na si Randall Cook.
Nagtatag si Hilton ng advocacy para sa troubled teens pagkatapos niyang makaranas din ng pang-aabuso sa Utah’s Provo Canyon School noong teenager siya.
Ayon kay Paris: “When these boys asked for me and wanted me to come to the hearing, I dropped everything to travel here. No child deserves to be silenced or to testify about abuse alone. I also immediately sent supplies and clothing for the boys and brought more items with me today to help them stay comfortable during this stressful and traumatic experience. This is a global issue that requires systematic change. I am dedicated to eliminating child abuse and neglect in youth residential programs.”
- Latest