Hindi pa masabi ni Jessy Mendiola kung papasok na bang talaga ang mister niyang si Luis Manzano sa pulitika sa 2025 elections tulad ng napapabalita.
“I cannot answer that yet,” ang natatawang sabi ni Jessy sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda last Friday.
“Kasi, ang dami ring nagtatanong sa akin. Recently kasi si Luis, he has been doing events in Lipa, kasi si Tito Ralph (Recto, Vilma Santos’ husband), so si Luis ‘yung pumupunta for him.
“And maraming nagtatanong sa akin kung tatakbo ba siya, ‘is he gonna get into politics?’ And as of now, I cannot answer yet.”
Inamin ng celebrity wife and mom na dati raw ay tutol na tutol siya na pumasok sa pulitika ang mister at tinakot pa niya itong hihiwalayan kapag tumakbo.
“You know, before, siguro kung before ‘to, nu’ng mag-girlfriend-boyfriend pa lang kami, I would say na… actually, sinabi ko talaga ‘to, tito Boy, sabi ko sa kanya, ‘pag ikaw, tumakbo, hihiwalayan talaga kita,’” tsika ni Jessy.
She explained, “no, kasi, I know naman na it’s for our country, ‘di ba? It’s for the Filipinos. But for me kasi, I kind of grew up in showbiz and you know, showbiz is a different world. And politics also is you know, another different world. So, parang for me, hindi ko alam kung kaya kong i-handle ‘yun.”
Pero ngayon daw ay nag-iba na ang kanyang pananaw.
“At this point, now that I am married to him, and also I’ve been with sila Momsky (ate Vi), sila tito Ralph and I’ve seen – mas lalo na nu’ng pandemic – I’ve seen kung paano ‘yung public service nila and isa lang ang masasabi ko talaga – grabe! Grabe talaga ‘yung public servants natin. I mean, of course, I could only speak for my in-laws.
“Para sa ‘kin, si Luis, family niya ‘yan, eh. And you know, that’s part of him. And I cannot deny him that,” she said.
Kung sakali raw na magdesisyon si Luis na tumakbo, sinigurado raw niya sa mister na susuportahan niya ito.
“If ever man he’s going to run, sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ‘yung ganu’ng parte ng buhay niya.
“So, sinabi ko talaga sa kanya, ‘just in case, ‘di ba, if ever you decide to run, I will be here for you.’ Parang in-assure ko siya. Kasi before, ‘di ba, ‘hihiwalayan kita,’ may mga ganu’n-ganu’n pa ‘kong arte.
“But you know, when I saw them, grabe talaga,” sabi ni Jessy.
“‘Yung puso nila, kung paano sila magtrato ng mga tao, kung paano nila alagaan ‘yung mga tao,” sey pa ng wifey ni Lucky.
Royce, may sepanx sa Makiling
Sa pagpanaw ng karakter ni Royce Cabrera na si Ren sa GMA afternoon drama series na Makiling, tiyak na mapipilayan na ang mga kontrabida sa buhay ni Amira (Elle Villanueva, the lead actress) called Crazy 5.
Intense scene ang nasilayan ng viewers matapos lapain ng aso ang karakter ni Royce hanggang sa siya’y mamatay. Icing on top na lamang ito dahil hinangaan na talaga ang Sparkle actor sa umpisa pa lang ng serye. Mula sa pagiging bully na kinaiinisan ng lahat hanggang sa pag-reveal niya ng kanyang totoong pagkatao at damdamin kay Oliver (Teejay Marquez), pinalakpakan siya ng viewers maging ng kanyang veteran co-actors.
Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Royce na nalulungkot siya sa pagtatapos ng kanyang role sa Makiling.
“Sepanx ako especially sa production at co-actors ko. Mamimiss ko ‘yung bonding na nabuo namin at ‘yung ganda ng istorya na nabuo namin,” sey ni Royce.
Well, for sure, marami ang makaka-miss kay Ren sa Makiling. Pero marami pa raw matitinding twists and turns sa serye ang dapat abangan.