^

Pang Movies

Isabel, ‘di nahirapang maging babae

Gorgy Rula - Pang-masa
Isabel, ‘di nahirapang maging babae
Isabel Sandoval
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa pre-production na ang Nathan Studios ng bagong pelikulang Moonglow na pagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde na ididirek at isa rin sa cast na si Isabel Sandoval.

Nung nakatsikahan namin si direk Isabel Sandoval, nagsisimula na silang mag-casting at ang target nila ay magso-shoot na sa April 9.

Sa rami ng naitsika sa amin ni direk Isabel, nangahas na kaming magtanong tungkol sa kanyang transition sa Amerika, para ma­ging ganap na babae.

Galing ng Cebu si Isabel at taong 2005 ay pumunta na siya sa Amerika para mag-focus sa filmmaking.

Pero nakagawa pa siya ng dalawang pelikula dito sa Maynila, ang Aparisyon sa Cinemalaya noong 2011 at Senorita. Gamit pa niya ang dating pangalang Vincent Sandoval.

Pero taong 2013 ay nagpapalit na si Isabel ng status niya sa Amerika na maging isang babae, at ginawa na itong Isabel Sandoval.

Ayon kay Isabel, mapalad siya dahil hindi siya gaanong nahirapan sa transition na ‘yun sa Amerika.

Isa pang ipinagpapasalamat niya ay nandiyan ang suporta ng kanyang magulang na naka-base sa Cebu.

“My mom has always supportive of me pursuing opportunities to you know, fulfill and realize my potential. I’m very grateful to my parents for that.

“I’m so proud of the journey that I’ve gone on. My mom is proud of me,” saad nito.

Hindi rin daw siya nakaranas ng diskriminasyon sa Amerika, bilang isa siyang Asian at Pinoy pa.

Binanggit na rin namin sa kanya ang pinagdaanan ni BB Gandanghari na nakilala rin daw niya roon sa Amerika.

Noong 2016 naman ay pinalitan ang gender ni BB bilang isang babae sa Orange County Superior Court.

Wala naman daw siyang masabi pagdating kay BB o maibibigay na payo dahil kanya-kanya naman daw buhay ‘yun.

“But I absolutely wish BB Gandanghari well… you know,” pahayag ni Isabel Sandoval.

AMERIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with