Kahit buntis ay naging productive pa rin si Yasmien Kurdi at natapos nito ang pag-aaral ng culinary arts.
Naka-graduate ang Kapuso actress noong March 24 mula sa Pastry and Bakery Arts course nito sa Academy of Pastry and Culinary Arts.
“Assessment + Graduation Day 03-24-2024 TGBTG (To God be the Glory) Can’t believe it! I thought I couldn’t do it because of my pregnancy but I did it! I’m so happy!” caption niya sa kanyang Instagram post.
Mabuti na lang daw at naging cooperative ang pinagbubuntis niya ngayon habang nagte-take siya ng assessment exam para makapasa sa kurso.
Sinimulan niya ang 2024 sa pag-enrol sa isang baking and pastry class noong January.
“Kaya kinuha ko na itong chance na ito na makapag-aral while pregnant with my #BabyDragon. I’m really happy today cause I learned a lot from Chef Anthony!” post ni Yasmien na nakapag-bake na ng first birthday cake noong nakaraang birthday niya.
Anak ni Onyok, papasukin na rin ang showbiz!
Mukhang papasukin na rin ng anak na babae ni Onyok Velasco ang showbiz.
Kilalang vlogger ang si Mary Angel Velasco. Bukod sa maganda ito, may alindog din ito na kapansin-pansin kaya marami itong followers sa social media.
Ry ang nickname ng 25-year-old daughter ni Onyok na pangatlo sa apat niyang anak. Nakapagtapos ito ng Export Management course sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2019.
Sa YouTube channel nito, bukod sa food vlog kunsaan nakakasama niya ang kanyang ama na isang Olympic Silver Medalist sa 1996 Summer Olympics, vlogger din siya for fashion, beauty and travel.
Kasalukuyang may 944K subscribers siya sa YouTube at maraming nakapansin na kahawig nito ang aktres na si Kathryn Bernardo.
Hollywood actor Louis Gossett, Jr., pumanaw sa edad na 87
Pumanaw na sa edad na 87 ang Hollywood actor na si Louis Gossett, Jr. sa Santa Monica, California noong March 28.
Kilala siya bilang first black actor na manalo ng Oscar Award for Best Supporting Actor para sa 1983 film na An Officer And A Gentleman.
Taong 1953 noong nagsimula siya sa pag-arte sa edad na 16 via the Broadway play Take A Giant Step. Sumikat siya dahil sa paglabas niya sa film version ng A Raisin In The Sun noong 1961. In 1977, nakasama siya sa cast ng groundbreaking mini-series na Roots.
Huli siyang napanood sa remake ng pelikulang The Color Purple noong 2023.