Natupad na rin ang pagpapagawa ng mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa ng kanilang dream house na tinatawag nilang Casa Corky after sa name ng kanilang baby boy na si Mark Fernando a.k.a. Corky.
Sa YouTube channel ng mag-asawa, mapapanood ang pag-demolish sa dating bahay ni Mark para tayuan ng bagong bahay nila.
Unang plano raw nila ay ibenta ‘yung bahay, pero naisip nilang magpagawa na lang sila ng mas malaking bahay.
“A happy new home filled with comfort, joy, peace, and where adventures and memories await. God’s timing is always perfect. Casa Corky is officially rising soon,” caption ni Nicole sa Instagram.
Post naman ni Mark: “Worth it ‘yung pagod, puyat at sakripisyo basta para sayo Corkyboy. We will do anything & everything for you. Love you anak!”
Nagsimula ang construction noong February at matatapos ang buong bahay bago mag-Pasko.
Jillian at ken, may gagawin sa Taiwan
Mula sa pagsasama nila sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap, magtatambal sa isang pelikula sina Jillian Ward at Ken Chan.
Lilipad patungong Taiwan ang dalawang Kapuso stars sa Mayo para rito.
“Sobrang nae-excite na po ako. Hindi po siya ‘yung usual na love story sa isang pelikula,” sey ni Jillian na huli pang nilabasan na mga pelikula ay noong bata pa siya na The Mommy Returns at Si Agimat, Si Enteng, At Si Ako.
May kilig nga ang tambalan nila bilang sina Dra. Analyn Santos at Dr. Lyndon Javier at may mga nabuo na silang fans.
Sey pa ni Jillian na magandang regalo sa kanya noong nakaraang 19th birthday niya last month ang movie project nila ni Ken.
Arnold Schwarzenegger, may baterya na ang puso
Ni-reveal ni Arnold Schwarzenegger na naka-pacemaker na siya.
Ayon sa Terminator star, kailangan na raw niyang mag-pacemaker dahil sa scar tissues na na-develop sa kanyang puso pagkatapos ng ilang heart surgeries noong 1997, 2018 at 2020.
“Monday, I had surgery to become a little bit more of a machine: I got a pacemaker. I’ve gotten so many messages and emails from people who were born with a bicuspid aortic valve, like me, telling me that talking about my valve replacement surgeries has given them courage and hope to deal with their own. That’s life with a genetic heart issue. But you won’t hear me complaining,” sey ng 76-year-old Hollywood Action Hero.