Iba talaga ang kapalaran ‘pag naglaro. Imagine mo na isang Princess Kate Middleton na asawa ni Prince William ang lumalaban ngayon sa Big C o cancer.
Hindi pala assurance sa buhay na mayaman ka o bata para hindi ka magkasakit. Aakalain mo na hindi na magkakaroon ng mga ganitong sakit ang mga mayayaman at powerful na tulad nila, pero ngayon hayan at magki-chemotherapy siya.
Mga bata pa ang mga anak nina Prince William at Princess Kate kaya iisipin mo kung paano ang guidance ng mga bata sa kanilang paglaki. Iba pa rin ‘yung buhay ang mother mo habang lumalaki ka. To think na bata pa si Princess Kate.
Life is really a big test. Kahit sino ka pa, daraan ka sa pagsubok. Iba-iba nga lang ang level natin sa buhay.
Pero mayaman o mahirap ‘pag may problema same feeling din ang mararamdaman mo. ‘Yung pain pareho rin. Iba nga lang ang level ng solution.
But sometimes, naiisip mo, fair talaga ang kapalaran dahil isipin mo na kahit mahirap ka, kung healthy ka naman, mas masuwerte ka pa kesa kay Princess Kate. Ganun na lang isipin mo, kesa mag-complain ka sa hirap na dinaranas mo. Marami tayong dapat ipagpasalamat sa buhay.
Let us count the blessings at huwag ang tinitingnan ‘yung wala sa atin. Let us be grateful sa binibigay sa atin, at huwag hanapin ang wala.
Holy Week ngayon, let us start thanking God for all the things that we have. Amen.