Pagtrato sa mga hayop, nagbago na

Killua

Ewan ko ba pero siguro ‘pag may nakita ako na maltreated na pet o animal, parang tao rin iyon na inaapi.

Kasi nga kung iisipin mo hindi naman kaya ng isang hayop ang lumaban.

Kaya hindi nakapagtataka na ganu’n ang naging reaction doon sa napatay na aso dahil sa pagpalo sa kanya.

Hindi mo rin masisi ‘yung mga naging violent ang reaction. Mabuti nga ngayon na parang lahat may affection na sa mga hayop na tulad ng aso at pusa dahil naging iba na ang trato sa kanila. Hindi gaya noon na parang wala talagang pakialam sa mga aso at pusa ang karamihan.

Ngayon maingat na sila sa trato sa mga ito kahit pa nga sabihing asong kalye lang. ‘Yung reaction sa pagpatay doon sa aso ay isang patunay na talagang marami na ngayon ang concerned sa animal rights.

Alam ni’yo kung ano ang pakiramdam ng isang may alaga sa kanilang pets. ‘Yung emotional attachment na talagang para ring pagmamahal mo sa isang malapit sa puso mo. Hindi ko ma-imagine na marinig ang iyak ng pet mo na hindi ka maapektuhan.

For sure tiyak na magri-react ka. Kaya how heartbreaking na makita mo na minamaltrato ang isang aso.

Buti na lang marami ang nag-react.

Show comments