Jake, nahirapang bumitiw sa alak

Three years na palang nag-quit sa pag-inom ng alak si Jake Cuenca.

“I don’t drink anymore. Three years (na),” anunsyo niya nang makatsikahan namin last Wednesday.

Asked kung bakit siya nag-decide na mag-quit sa pag-inom, natatawa niyang sabi, “you know, you get shout out by the cops, they’re calling you things without having to know the story, it changed things.”

Bukod dito ay hindi na raw maganda at his age na ma-involve pa sa mga ganitong problema.

Matatandaang taong 2021 nang paulanan ng bala si Jake ng mga pulis matapos niyang mabangga ang isang police car. Naresolbahan din naman ang isyung ito at naipaliwanag naman ng aktor ang kanyang panig.

Ayon kay Jake, hindi raw naging madali sa kanya to quit drinking alcohol pero kinaya niya pa rin.

“It’s the hardest thing I ever had to do, to be ho­nest with you. To stop drinking, to say no especially to your bosses or like people in the industry,” sey niya.

“Definitely, it was the hardest thing I ever had to do but it was the best decision in my life,” dagdag pa niya.

Samantala, bongga pa rin ang career ni Jake at sunud-sunod pa rin ang proyekto niya sa ABS-CBN. After Iron Heart na katatapos lang ay mapapanood naman siya ngayon sa What’s Wrong with Secretary Kim with Kim Chiu and Paulo Avelino.

Ginagampanan ng aktor ang papel ni Morpheus na kapatid ng karakter ni Paulo. Nag-premier na ang Pinoy adaptation ng What’s Wrong with Secretary Kim nitong March 18 on Viu.

Sen. Bong, inaming titirik na sa pagod!

Ipinagmamalaki ni Sen. Bong Revilla na kahit napapanood siya sa telebisyon ay hindi naman daw niya pinababayaan ang kanyang trabaho sa Senado.

“Never akong um-absent (sa Senate sessions), perfect attendance po ako, never late, never absent,” proud na sey ni Sen. Bong sa isa sa mga recent live stream sessions niya sa Facebook.

 Ayon pa sa aktor/pulitiko, for the past months ay talagang halos wala siyang pahinga kaya biro pa niya, “medyo titirik na ‘yung lolo mo.”

Pero masaya raw siya dahil nagbubunga naman nang maganda ang lahat ng kanyang mga ginagawang trabaho para sa bayan.

“Tulad niyan, napirmahan na ng ating mahal na Pangulo ‘yung no permit, no exam policy,” he said.

Si Sen. Bong ang principal author ng Anti-No Permit, No Exam Act na nag-uutos sa lahat ng private and public schools na payagang kumuha ng examination ang estudyante kahit walang permit or in short, kahit hindi pa bayad ng tuition fee.

Anyway, sa showbiz naman, nag-last taping day na nga si Sen. Bong sa kanyang weekly action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 at malapit na rin itong magtapos sa ere.

Hindi lang namin sure kung makakapagpahinga na ang aktor/pulitiko ngayong tapos na ang kanyang taping dahil napapabalita ngang ang paggawa ng pelikula naman ang kanyang susunod na pagkakaabalahan.

Show comments