It was last December 2023 nang isilang ang kauna-unahang apo ng dating celebrity couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera na si Phineas na may palayaw na Finn.
Si Finn ay first born ng panganay nina Pops at Martin na si Robin Nievera sa partner nitong si Mian Acoba who’s based in Chicago, USA.
Robin’s dad (Martin) was in the US at that time for a series of shows at nagawa niyang makita ang kanyang unang apo sa loob ng tatlong oras bago siya tumulak ng Florida, USA with with his eldest son. That was the only occasion that he saw Finn.
Speaking of Martin, kamakailan lamang ay muli itong lumagda ito ng kontrata with Vicor Records na pag-aari na rin ngayon ng Viva na pinamumunuan ng big boss ng big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario. Nung isang taon ay pumirma rin ng kontrata si Pops sa Viva Artists Agency (headed by Veronique del Rosario-Corpus).
Ayon kay Boss Vic, may clamor pa rin umanong pagsamahin ang dalawa sa isang TV or movie project.
Posible rin umanong ibalik ang kanyang hosting job sa telebisyon tulad ng The Penthouse Live kung saan nabuo ang kanilang loveteam at pag-iibigan at ang Pops & Martin: Twogether na sinundan ng pagsasama sa kanila sa Sunday musical variety show on ABS-CBN, ang ASAP kung saan sila ang original hosts. Sa reformatted ASAP Natin ‘To, tanging si Martin na lamang ang natitira sa original hosts.
Ayon kay Martin, mas maganda raw kung hindi sila regular na magkasama ni Pops para sabik pa rin ang mga tao sa kanilang tambalan.
Pinasalamatan naman ni Pops ang dating mister dahil kinansela nito ang kanyang solo concert sa The Theater at Solaire nung Valentine’s Day para sa kanyang special guesting sa pre-Valentine Always Loved two-night concert ni Pops on same venue. Although hindi naman daw kailangang gawin `yun ni Martin, sobrang in-appreciate ng Concert Queen ang ginawa ng kanyang former hubby.
Come February 2025 ay nakatakdang muling magsama ang dalawa sa isang Valentine concert na si Pops din mismo ang magpu-produce along with her other business partners. Puwede rin itong i-produce ng Viva Live which into live production as well.
Balik si Martin sa bakuran ng Vicor after 25 years matapos niyang gawin ang kanyang ika-12th album sa nasabing record label. It was in 1983 nang lumagda ang Concert King sa Vicor kung saan nagsimula ang kanyang pagiging hitmaker na kanyang sinimulan sa kanyang classic song nang maituturing, ang Be My Lady na kinompos ni Vehnee Saturno and the rest ay history nang maituturing.
Ang pagiging magka-loveteam nila ay nagsimula nang pagsamahin ang dalawa sa late night dance-musical show on GMA, ang The Penthouse Live. The now uncouple emerged as the country’s Concert King and Queen na hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasa sa iba.
Bukod sa dalawa nilang anak ni Pops na sina Robin at Ram, si Martin ay may isa pang anak sa dati niyang girlfriend na si Katrina Ojeda na si Santino Nievera.
Sarina ni Jhong, massive ang followers!
Super proud ang singer-dancer-turned TV host (ng It’s Showtime) at politician na si Jhong Hilario sa kanyang almost three-year-old daughter na si Sarina Azores Hilario dahil at an early age ay meron na itong strong following sa kanyang multi-platform on social media laluna nang kanyang i-record at magkaroon ng music video ang isa sa mga classic hit songs ni Frank Sinatra, ang Fly Me To The Moon which she started singing when she was one-year-old.
Very hands-on father si Jhong sa kanyang unica hija na kahit nung baby pa lamang ito ay kinakausap at kinakantahan na niya na raw ito ng mga lumang songs hanggang matuto na itong kumanta at age one.
Since mga lumang kanta ang itinuturo sa kanya ni Jhong, parang ‘old soul’ na rin si Sarina na nag-viral ang kantang Fly Me to The Moon. Dahil dito, inimbitahan ang bata with her parents ng Hong Kong Disneyland all expenses paid for.
Hindi kami magtataka, Salve A., kung papasukin din ni Sarina ang showbiz para sundan ang yapak ng kanyang ama.