Pops, kinarir na ang pagiging lola!

Pops Fernandez at apo

Ang daming nakyutan kay Pops Fernandez sa ipinost niyang video na nagpapalit  ng diaper ng kanyang first apong si baby Finn na first child ng anak niyang si Robin Nievera.

Makikita sa video na enjoy na enjoy si Lolli Pops (ito ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo) sa ginagawa umiiyak si baby Finn.

Pero hindi niya mailagay ang diaper at na-realize niya rin kung bakit. ‘Yun pala ay baligtad ang paraan ng pagkakabit niya.

Tawa nang tawa si Pops na mukhang hindi na nga sanay na mag-alaga ng baby.

Pati ang mga netizens ay naaliw sa kanya at kanya-kanya silang komento.

“You’re so cute, my friend! Being a first time, Lolly!” sey ng dating aktres na si Kristine Garcia.

“Sorry Finn, lola forgot how to put the pampers now!?,” sey naman ng isang netizen.

“More practice Lolly,” sabi naman ng isa pa.

“Can’t beliv ur a Lola now!” komento ng isa pang follower.

“Thats how lollipops changing dispers still smiling face enjoying his apo…” reaksyon naman ng isa pa.

“Cutie lolly Pops,” another comment.

Kasalukuyang nasa US si Pops at nagpunta siya roon para makita for the first time ang kanyang grandson since sa Amerika na nga naninirahan ngayon si Robin with his Chicago-based partner, Mian Acoba.

Julie Anne panay pa rin ang paliwanag sa ginawa ni Rayver

Muling ipinagtanggol ni Julie Anne Santos ang boyfriend na si Rayver Cruz laban sa mga bashers na bumatikos sa aktor dahil sa ikinilos nito sa live streaming nila last Saturday.

Sabay na humarap ang JulieVer sa 24 Oras last Sunday para magpaliwanag sa nangyari.

Ayon kay Julie Ann ay pinataas lang daw ni Rayver ang kanyang mood that that day kaya nagpakita ng kakulitan sa live streaming. Stressed daw kasi siya nang araw na ‘yun.

Ayon naman kay Rayver ay kilala na siya ng kanyang mga kaibigan na ganu’n talaga kumilos pero aminado naman siyang exra-hyper siya that day.

Matatandaang umani ng batikos si Rayver matapos ang live streaming nila ni Julie Anne dahil nga sa mga ikinilos nito. Sobrang kulit ng aktor, sobrang hyper at natapik pa niya ang ulo ng girlfriend na siyempre, ang tingin ng netizens and fans ay binatukan niya ang dyowa.

Pero kaagad din namang nag-sorry si Rayver sa X sa kanyang mga na-offend explaining na happy siya talaga at mahal na mahal daw niya si Julie Anne kaya hindi niya ito magagawang saktan.

 

Show comments