Vilma, tumangging maging director — General ng FAP!
Ngayon diretsahan nang sinabi ng Star For All Seasons na si Vilma Santos, na talagang pipiliin na lamang niya ang mga pelikulang gagawin niya dahil siya ay 70 years old na rin at gusto naman niyang ma-enjoy ang buhay niya.
Nabalitaan rin namin iyon na may mga tao sa Malacañang na nakikipag-coordinate para maimbita siya sa Palasyo dahil ipalalabas nga roon ang isa niyang pelikula at bibigyan din daw siya ng isang pagkilala pero hindi rin yata natuloy doon si Ate Vi. Iyon pala inalok din siyang maging director-general ng Film Academy of the Philippines dahil ang namumuno sa FAP ay laging isang presidential appointee.
Tinanggihan din iyon ni Ate Vi, hindi dahil sa wala siyang pakialam, in fact sinabi niyang nakasuporta siya sa anumang gawain ng FAP at nakahanda siyang tumulong ano mang oras, pero ayaw na niya ang katungkulan.
Dumalo naman siya sa 50 years celebration ng Mowelfund at sinamantala niya ang pagkakataong pasalamatan ang lahat ng mga taong nakasama niya sa kanyang anim na dekada sa industriya.
Willie at TVJ, tatapatan ang Showtime?!
Nang lumipat ang It’s Showtime sa GTV matapos na tanggihan ang alok noon ng TV5 na lumipat sa late afternoon slot para maibigay sa TVJ ang noontime program, sinasabi nila na iyon ay isang bagay na pinag-isipan ng GMA chairman na si Felipe Gozon. Binigyan ng GMA ng matinding support ang paglipat ng It’s Showtime sa GTV mula sa TV5, na halos kasabay ng pagbubukas ng TVJ ng kanilang bagong show.
In fact maraming nakapansin na mas marami ang GMA stars na nasa Showtime kaysa sa dating programang Tahanang Pinakamasaya. Ngayon tila totoo na, kasi malakas na ang ingay na ang Showtime nga ang ipapalit nila sa natigok na programa ng TAPE Inc.
Pero ngayon sinasabi ngang nakabalik na sa Kapatid network si Willie Revillame na malakas na nakalaban ng TVJ noon sa noontime contest at naging pambato ng GMA sa late afternoon slot.
Wala pang statement ang TV5 pero ang sabi sa One PH mapapanood ang programa ni Willie at hindi naman sa TV5.
Pero pwede rin namang magkaroon ng katotohanan na may posibilidad diumano na mapanood din ito sa TV5.
Naku hintayin na lang natin ang mga statement nila.
- Latest