Egg nabugok... Chiz at Heart nawalan ng baby girl bago ang renewal of vows

Heart

MANILA, Philippines — Inamin ni Heart Evangelista na nag-e-expect sila ng baby noong February, bago ang kanilang renewal of vows ni Senator Chiz Escudero, pero hindi na naman nabuo.

Ito ang ikinumpisal ng Global Fashion Icon sa episode kahapon ng Fast Talk with Boy Abunda. 

Pero nilinaw niya na hindi siya buntis : “I was expecting my only girl that I had left — eggs.

“So at that time, I was, I thought it was a gonna make it, but she didn’t so that one was a bit hard for me,” sabi pa niya kahapon kay tito Boy.

Inamin nito noong February, na nag-usap sila ni tito Boy, at sinabi niya na kung magkakaroon siya ng baby, dapat ay ngayon na.

At naniwala siya na mangyayari na ‘yung matagal na nilang pina-plano.

Binigyan, pa niya ito ng pangalan... Sophia Heart.

Pero ‘di nabuo, nabugok.

“I thought I was going to be able to share what I do with my last girl,” sabi niya na umiiyak,.

At umiiyak daw siya hindi dahil hindi natupad ang gusto nila kundi dahil “it so hard for me to produce the egg.”

Sinabi niya pa sa nasabing interview na mahirap  at may kinukuwestiyon siya : “I’m just sad kasi siyempre excited ako pero hindi ako nagrereklamo,” sabi niya pa.

“I’m so blessed so many other ways. How can I complain?”

Ayon naman sa mister niyang si Senator Chiz, pakiramdam niya ay mas maganda pang naka-plano para sa kanila. “I’m predisposed to accept God’s will. Yun ang sabi ko sa kanya.”

Pero meron pa naman daw egg si Heart at naghihinayang lang talaga ito.

Gerald, mapapanood na sa Egypt, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at iba pang

Arab-speaking territories

Naging kauna-unahang Arabic-dubbed Pinoy series ang hit action-drama series ng ABS-CBN na A Soldier’s Heart, na mapapanood na sa mga rising video-on-demand platform sa Middle East pagkatapos na pumirma ng kontrata sa Rabee Alhajabed Art Production & Distribution FZE.

Mapapanood na ang Philippine hit action-drama series na A Soldier’s Heart  sa tatlong streaming platform na Maraya, Shofha, at Weyyak, na available sa Egypt, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at iba pang Arab-speaking territories.

Sinusundan ng A Soldier’s Heart ang kuwento ni Alex (Gerald Anderson), isang IT expert na sumapi sa Army, at ang pagkru-krus ng kanyang landas sa isang pamilyang Muslim na maglalagay sa kanya sa pagkwestyon ng kanyang kinabukasan.

Binuksan ng serye ang kamalayan ng mano­nood sa mga hamon at sakripisyong kinakaharap ng mga militar habang tinutupad nila ang kanilang mga sinumpaan sa bansa.

Samantala, malapit na ring mapanood ang action-fantasy drama na Darna,  na pinagbidahan ni Jane De Leon na magkakaroon rin ng sariling Arabic-dubbed version. 

Kasunod ito ng matagumpay na pagbenta nila ng mga orihinal na istorya (format) ng Hanggang Saan, Mea Culpa, The Good Son at Forevermore sa parehong rehiyon.

Sa ngayon, nakapagbenta na ang ABS-CBN ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America.

Viu, may mga bagong tagdub series

May limang bagong Tagalog-dubbed (Tagdub) series na kung saan tampok ang mga natatanging babaeng karakter sa Viu Philippines.

Mapapanood na ang nakakabighaning mga kuwento ng Viu Original series na My Lovely Liar  at The Escape of the Seven, at mga K-drama na  Something in the Rain, Missing: The Other Side 2 at ang Chinese drama na Be Together.

Si Mok Sol-Hee (ginagampanan ni Kim So-Hyun), na may kakayahang malaman kung sino ang nagsisinungaling, ang bida sa Viu Original na  My Lovely Liar. Dahil sa kanyang special power, mahirap makuha ang tiwala ni Sol-Hee. Pero unti-unti mabubuksan ang kanyang isip at puso ng misteryosong si Kim Do Ha (karakter ni Hwang Min Hyun), na isang tanyag na composer.

Isang dalagang nawawala ang sentro ng revenge drama na The Escape of the Seven, isa ring Viu Original series. Pitong tauhan ang masasangot sa kaso, kabilang sina Matthew Lee (ginagampanan ni Uhm K-Joon), lider ng isang mobile platform; production company boss na si Geum La-Hui (ginagampanan ni Hwang Jung-Eum); ang ex-gangster na Min Do-Hyuk (aktor na si Lee Joon); ang maganda pero manlolokong si Han Mo-Ne (Lee Yoo-Bi), ob-gyn Cha Ju Ran (aktres na si Shin Eun-Kyung); ang tusong CEO na si Yang Jin-Mo (Yoon Jong-Hoon), at art teacher na si Go Myoung-Ji (ginagampanan ni Jo Yoon-Hee).

Sa Something in the Rain, ang career woman na si Yoong Jin-A (ginagampanan ni Son Ye-Jin), na lampas sa edad na 30, ay magkakaroon ng relasyon sa animator na si Seo Joon-Hee (karakter ng aktor na si Jun Hae-In). Si Joon-Hee ay mas bata kay Jin-A, at kapatid ng best friend ng dalaga. Bagama’t may age gap, patutunayan ng dalawa na pagdating sa pag-ibig, “age does not matter”.

Sa ikalawang season ng fantasy thriller series na Missing: The Other Side 2, tuloy ang kuwento sa Gongdan — lugar na ginagalawan ng mga espiritu. Ang singer-actress na si Sohee ng girl group na Wonder Girls ang isa sa mga karakter na mag-iimbestiga kung bakit nawala at namatay ang mga tao. S

At sa C-drama na Be Together matutunghayan ang mga kuwento ng career at pag-ibig ng apat na magbabarkadang babae; ang app-developer na si Xia Yan, furniture designer na si Han Shuang, ang doktorang si Xiang Nan at ang broken-hearted bride na si Zhao Xiao Lei.

 Mapapanood din sa naturang streaming platform ang higit sa isang daang Asian titles na dinub sa Tagalog at Bisaya. I-download ang Viu app sa Apple Store o Play Store, o mag-log on sa www.viu.com.

Show comments