Solenn at Nico, dinadagsa ng mga gustong mag-apply na kasambahay

Staff lounge ng pamilya Bolzico
STAR/ File

May air-conditioned staff lounge

Marami ang gustong mag-apply na kasambahay sa mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico pagkatapos na mapanood ang house tour ng Casa SosBolz sa YouTube channel nila.

May sarili kasing space sa kanilang tahanan para lang sa mga kasambahay.

Hiwalay ang quarters ng household staff at drivers. May privacy sila para raw magkaroon sila ng time na magpahinga nang tama.

Meron din daw silang sariling laundry room at air-conditioned staff lounge na may furnitures at appliances at doon sila tatanggap ng kanilang mga bisita at may TV room para sa entertainment nila.

Sey pa ni Solenn, para raw talaga sa household staff nila ang lugar na iyon at wala raw siyang access doon at gusto niyang magkaroon ng privacy ang mga kasama nila sa bahay.

“I told them it has to be as clean as the entire house even if I don’t step foot here. I want them to come to their room, and they’re relaxed. They are not stressed or in a mess.”

Tumanggap ng papuri mula sa netizens ang mag-asawa dahil hindi lang daw comfort nila ang kanilang inisip kundi pati ang comfort ng mga kasambahay nila na sina Edna, Jona, Juna, and Josie.

Comment ng isang netizen: “Dyan mo makikita ang mabubuting tao, ‘yun kung pano nila trato at bigyan pahalaga ang mga nagtatrabaho sa kanila, very considerate couple. Parang gusto ko na lang maging katulong kay Ma’am Solen.”

Madonna, tumangging sumama kay Lord!

Nagagawa nang magkuwento si Madonna tungkol sa “near-death experience” niya last year.

Kuwento ng 65-year-old Like A Virgin singer, noong maospital siya noong June 2023 dahil sa bacterial infection, na-comatose raw siya ng apat na araw.

“I’m not kidding, it was pretty scary. Obviously, I didn’t know for four days because I was in an induced coma. But when I woke up, the first word I said was, ‘No.’ Anyway, that’s what my assistant tells me.”

Kaya raw nasabi ni Madonna ang word na ‘No’ ay dahil gusto na raw siyang kunin ni Lord: “I felt like God was saying “come with me,” I replied ‘No!’”

Kaya na-move ng October ang kanyang tour dahil kinailangan pa raw niyang magpalakas dahil sa nakuha niyang bacterial infection.

“It was strange to finally not feel like I was in control, and that was my lesson, to let go. I thank everyone who is here who took care of me. It’s a miracle that I’m alive. I didn’t think I was gonna make it this, but here I am.”
 

Show comments