Hindi ipinagkaila ni Ashley Ortega na nahirapan siyang maka-move on sa naging breakup nila ng ex-boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Pero marami naman daw siya natutunan sa breakup na iyon. Mas natutunan daw niyang mahalin ang sarili niya. “Aaminin ko when we broke up talagang I was at my lowest din kasi siyempre na-in love tayo nang sobra. But what happened before, it was a mutual agreement naman. So ngayon, I’m better. Siguro ang natutunan ko lang talaga is to not to depend on others na parang dapat magtira ka para sa sarili mo. I learned to love myself more,” sey ni Ashley.
Naikuwento na noon ni Ashley na dahil sa kanilang mga trabaho kaya nauwi sila sa hiwalayan.
Hindi pa raw sila nagkakausap simula noong maghiwalay sila noong 2022. Pero handa naman daw si Ashley kung sakaling sila ay aksidenteng magkita.
After Hearts On Ice, kasama siya sa historical drama ng GMA na Pulang Araw with Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.
Zonia, nagtataray
Kabilang si Zonia Mejia sa mga kontrabida ni Jo Berry sa Lilet Matias: Attorney-At-Law. Kuwento ng Kapuso actress, gusto na raw niyang maiba ang image niya para mas mabigyan siya ng challenging roles.
“I really auditioned for the role of Trixie, ‘yung half-sister ni Lilet na isang influencer pero maldita at mapang-api. I want to try doing different roles na kasi lagi nilang sinasabi na I look too sweet to be a kontrabida. Kaya when I auditioned, iniba ko ‘yung look ko pati na ‘yung paraan ng pagsalita ko. Natuwa ako when I got the part,” sey ni Zonia na sa first day taping pa lang ay tinaray-tarayan na niya si Jo sa kanilang eksena.
Nabuwag na raw ang loveteam ni Zonia with Jamir Zabarte. Ni-launch ang JaNia noong 2022 bilang Sparkle Sweethearts kasabay nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara (MavLine), Althea Ablan and Bruce Roeland (AlBruce), Abdul Raman and Shayne Sava (AbdAyne) at Allen Ansay and Sofia Pablo (AlFia).
Shirley MaClaine, aktibo pa rin kahit 89 na!
Sa edad na 89, aktibo pa rin ang legendary Hollywood star na si Shirley MacLaine. Katatapos lang niya ng pelikula with Games of Throne actor Peter Dinklage na ang title ay American Dreamer na isang dark comedy. “It was one of the greatest experiences of my career. We really hit it off,” sey ng Oscar winner sa co-star niyang 4-time Emmy winner.
Sey naman ni Dinklage: “When you meet somebody like Shirley and her character and it just completely upends what you’ve always thought and makes you see things a whole new way.”
Mag-turn 90 na si Shirley on April 24 at plano niyang i-celebrate ito sa Atlantic City. Nagsimulang maging film actress si Shirley noong 1955 at lumabas siya sa mga pelikulang The Apartment, Sweet Charity, The Children’s Hour, Some Came Running, Around The World in 80 Days, The Turning Point, Gambit, My Geisha, at marami pang iba.