Jaclyn nag-iisang Pinay sa South East Asia na nanalo ng Best Actress sa Cannes
Matapos ang magkasunod na pagpanaw ng veteran actor na si Ronaldo Valdez at veteran entertainment writer/columnist at film critic na si Mario Bautista, ginulantang na naman ang mundo ng showbiz sa hindi inaasahang pamamaalam ng isa na namang de kalibreng aktres na si Jaclyn Jose na pumanaw sa isang freak accident sa kanyang tahanan nung araw ng linggo, March 3 sa edad na 59.
The only Filipina and from South East Asia to grab the Best Actress trophy sa 2016 Cannes Film Festival for the movie Ma’ Rosa na pinamahalaan ng kaisa-isang Filipino director na nakapag-uwi ng Best Director sa nasabing prestigious film festival na si Brillante Mendoza.
Si Jaclyn ay huling napanood sa 2023 and 49th Metro Manila Film Festival movie na Broken Hearts Trip. She was also part of the top-rating and long-running action-drama series FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Si Jaclyn ay nagsimula sa showbiz in 1984 sa pamamagitan ng pelikulang Chikas ni William Pascual. On the same year ay ginawa rin niya ang Private Show ni Chito Roño na siyang nakapagbigay sa kanya ng kanyang unang nominasyon sa FAMAS awards.
Ang pelikulang White Slavery na pinamahalaan ng yumaong National Artist na si Lino Brocka ang siyang nakapagbigay sa kanya ng kanyang unang nominasyons sa Gawad Urian pero ang movie na Takaw Tukso ang nagbigay sa kanya ng kanyang 1st Gawad Urian trophy.
Ang kanyang Luna Award bilang Best Actress ay napanalunan niya in 1996 para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story na pinagbidahan ng superstar na si Nora Aunor. Ang nasabing pelikula rin ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang 4th nomination mula sa Gawad Urian at FAMAS.
Since she started in 1984 ay napakaraming pelikula at TV series ang kanyang nagawa na nagbigay sa kanya ng iba’t ibang parangal mula sa magkakaibang. award-giving bodies.
Nung isang taon ay isa siya sa pinarangalan ng The EDDYS bilang isa sa mga recipients ng Movie Icon Award.
Mary Jane Santa Ana Guck in real life, siya’y ipinanganak sa Angeles City, Pampanga at ina ng Siargao-based actress and surfer na si Andi Eigenmann kung kanino siya may tatlong apo na sina Ellie, Lilo at Koa. Ang isa pang anak ni Jaclyn ay si Gwen Garimond Ilagan Guck. Half sister niya ang dating aktres na si Veronica Jones.
Kilala si Jaclyn hindi lamang sa pagiging mahusay na aktres kundi sa pagiging professional nito sa kanyang trabaho.
Mula sa amin dito sa PANG MASA, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay na naiwan ni Jaclyn.
Pepe, nagulat na naging komedyante
Personal na ipinagtapat sa amin ng singer, actor-comedian at music teacher na si Pepe Herrera na dumaan umano siya sa depression at dumating pa umano sa point na gusto niyang wakasan ang kanyang buhay. Ito ay nangyari nung 2017 nang pansamantala niyang talikuran ang showbiz para harapin ang kanyang pinagdaanang mental illness.
Halos isang taon pa lamang noon si Pepe sa showbiz na napapanood sa hit action-drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano as Benny.
Inamin ni Pepe na na-overwhelm umano siya noon hanggang sa makaramdam siya ng burn-out na naging sanhi ng kanyang depression.
Ang kanyang almost one-year healing ay nakatulong sa kanya nang husto para maibalik ang kanyang self-confidence.
Thankful naman siya na muli siyang nakabalik sa kanyang trabaho bilang singer at actor-comedian.
Aminado si Pepe na aksidente lamang umano ang kanyang pagiging isang komedyante (sa TV at pelikula) dahil isa umano siyang seryoso at tahimik lang na tao and would indulge in serious talks.
Although singing na umano ang kanyang passion since he was a kid, ito rin daw ang kanyang naging daan sa kanyang pagpasok sa showbiz nang siya’y ma-discover ng award-winning actress, film producer at dating President and CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos at kasunod na rito ang kanyang paglagda ng management contract with Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.
- Latest