Nag-react si Asia’s Phoenix Morissette Amon sa isang blind item na na-post kamakailan sa social media tungkol sa isang singer na disappointing ang performance sa isang event.
Ayon sa Facebook post ng event director na si Vic Sevilla kamakailan, naimbitahan daw sa isang event ang singer na siya ang nagdirek.
“She seemed zapped of energy, acted uninterested, and sounded distant and cold. It was as if all enthusiasm escaped her the moment she stepped on stage.
“It was disappointing given that performers of her stature and popularity demand a hefty price to appear in corporate events. At the very least, she could have faked enthusiasm to cheer the audience up and not act as if she wanted to get off the stage in haste,” sabi pa nito.
Bagama’t walang pangalan, binanggit ni Sevilla ang salitang ‘phoenix’ kaya naman ang hula ng lahat ay si Morissette ito.
Sa kanyang Instagram Story kahapon ay inalmahan ng singer ang naturang blind item.
Ayon kay Morissette, hindi raw sana siya magsasalita tungkol sa nasty rumors subalit unfair naman daw kung isang side of story lang ang mababasa ng mga netizen.
Hindi raw niya kilala ang taong nag-post ng naturang blind item at hindi raw niya alam kung bakit ganito na lang ang hatred nito sa kanya para sirain ang kaniyang craft.
Aminado naman si Morissette na hindi niya talaga naibigay ang kanyang 100 hundred percent sa kanyang performance at ito ay dahil hindi raw maganda ang kanyang pakiramdam.
Paliwanag niya, before the event ay bedridden siya but because the show must go on ay pinilit niyang makadalo.
Nag-take raw siya ng steroids for her voice na ginagawa raw niya talaga sa mga ganitong emergency cases.
“I performed as planned, again, not a hundred percent, but rest assured I gave my all even congratulating the awardees on stage and still belting my heart out,” paliwanag ng singer.
“I have pretty high standards for myself especially when it comes to my craft, but I knew then that there wasn’t really much I could do because I am in fact still human and get sick and have down days too.
“So let this be a lesson to all of us to really take care of ourselves and stay away from unnecessary negativity,” saad pa ni Asia’s Phoenix.
Jennylyn, gustong maka-collab si Sarah G
Sa 20 years na pananatili ni Jennylyn Mercado sa showbiz industry, marami pa raw siyang hindi nakakatrabaho na gusto niyang makatrabaho.
Isa na raw rito si Marian Rivera.
“Hindi ko pa nakakatrabaho si Marian. (Kung siya) hindi naman drama, siguro pwede comedy para iba,” pahayag ni Jen sa kanyang panayam sa Mega Entertainment.
Hindi pa rin daw niya nakatrabaho sina Alden Richards at Piolo Pascual. She also mentioned na gusto niyang maka-collaborate rin si Sarah Geromimo sa isang kanta.
“Si Alden, [at] si Piolo. Marami pa akong gustong makatrabaho. Si Sarah G., sa song, Oo!” sey pa ni Jen.
Dati ay nagkaroon na ng plano na pagsamahin sina Jen at Alden sa isang serye sa GMA 7 pero unfortunately ay hindi ito natuloy.
With Piolo naman, since magkaiba sila ng network, binalak na pagsamahin sila sa isang pelikula pero hindi pa rin ito natutuloy.
Binanggit din ni Jen sa naturang panayam na gusto niya ring makasama ulit sa isang proyekto ang mister na si Dennis Trillo na nakatrabaho na niya noong 2015 sa My Faithful Husband.
Anyway, kasado na ang pagbabalik ni Jen sa kanyang first love which is singing. In fact, nakatakda siyang maglabas ng bagong music album bilang parte ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.
Kasalukuyang napapanood ang Kapuso Ultimate Star sa seryeng Love. Die. Repeat with Xian Lim.