Diego, inaming totga si Sofia!

Sofia

Inamin ni Diego Loyzaga na ang kanyang ex-girlfriend na si Sofia Andres ang tinuturing niyang ‘the one that got away’ o TOTGA.

Nag-guest si Diego sa vlog ni Aiko Melendez at sa huling bahagi ng video ay naglaro sila ng Truth or Dare game kung saan ay sinagot ng aktor ang ilang katanungan tungkol sa personal life niya.

Ang first question kay Diego ay kung sino kina Barbie Imperial, Frankie Russel, Sofia Andres and Julia Montes ang maituturing niyang ‘the one that got away.’

Ang bilis ng sagot ng aktor.

“Sofia Andres. No, kasi ang laki talaga ng pagkakamali ko du’n kay Sofia. I wish that didn’t happen. I’m very open naman about it,” ani Diego.

“I made a really big mistake. I was a kid. I was 20 years old, 21 years old,” dagdag pa niya.

Pero aniya ay masaya naman daw siya ngayon para kay Sofia.

“Sobra. I’m so proud, I’m so happy for her. I remember when we were together pa, the things that she has now, ‘yun ‘yung mga binabanggit niya noong time na ‘yun na sana magkaroon siya and she has everything now,” aniya.

Nang matanong kung nagkita na ba sila ulit, sey ni Diego ay hindi na raw at napakatagal na raw ng huling pagkikita nila.

“I remember the last time I saw her, I went to where she was and I tried to seek closure. This was a long time ago,” sey ng anak nina Cesar Montano and Teresa Loyzaga.

Matatandaang dating magka-loveteam sila sa ABS-CBN. Isa sa mga proyektong ginawa nila ay ang seryeng Pusong Ligaw in 2017.

Gelli, susubok sa public service

Susubukan naman ni Gelli de Belen ngayon ang public service show dahil isa siya sa hosts ng bagong programa sa GMA 7 na Si Manoy ang Ninong Ko kasama sina Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at ang former businessman and now public servant na si Agri Party-List Representative Wilbert T. Lee.

Sa rami nga ng kanyang naging shows mula pa noon, ito ang first time ni Gelli na mag-host ng isang public service show.

“From Sis na masaya lang, from Face to Face nag-aaway, Face the People, ‘eto (Si Manoy ang Ninong Ko) tumutulong,” sabi ng aktres/TV host sa ginanap na mediacon ng nasabing bagong show na ginanap last Thursday.

“Sinusuyod ang buong Pilipinas, tapos, humahanap ng mga taong maaaring matulungan at tinutulungan sila without any agenda, and of course, hindi lang tulong na pang-ngayon lang. Sinisiguro na ‘yung tulong na maibibigay sa kanila is habang buhay. Magagamit nila habang buhay,” dagdag niya.

Kaya nga raw sobrang grateful niya na makapag-host ng ganitong klaseng programa naman.

Every week ay may featured na dalawang beneficiary groups ang show at mismong sina Patricia at Sherilyn naman ang pumupunta mismo sa mga lugar at mag-iikot sa buong Pilipinas para personal na makita ang mga problema and concerns ng mga residente.

“Sometimes, they just want to feel that they are seen and heard, so listening to them is already a form of help. But of course, we don’t stop there. We thoroughly study their cases and we try to provide solutions for their concerns,” sabi ni Patricia.

Ayon naman kay Sherilyn, “we want to go beyond solving their immediate problems – we also want to give them hope by providing opportunities to support themselves in the long term.”

Magsisimula na ngayong Sunday (March 3), 7am sa GMA 7 ang Si Manoy ang Ninong ko and for its pilot telecast, tatalakayin nina Manoy Wilbert, Gelli, Patricia and Sherilyn ang mga problemang kinakaharap ng onion farmers sa Pangasinan, gayundin ang mga volunteered sea guardians sa Orani, Bataan.

Show comments