Bongga ang pa-havey... Vice, ipapatapos ang bahay ng kanyang ‘Angel’!

‘Wag magpa-scam, post ni Vice Ganda.

May mga nakatanggap pala ng message na ginagamit ang pangalan niya at ang dialogue ay makikipag-collab para sa YouTube. Nagpapakilala raw itong Peach.

Pero isang klarong scam pala ‘yun.

“‘WAG MAGPAPA-SCAM. ‘Wag agad magpapaniwala sa mga ganitong messages! Walang “Peach” sa team namin.”

Aside from this, trending si Vice dahil ipatatapos nito ang pinagagawang bahay ng kanyang ‘angel’ sa Sorsogon.

More than 10 years na raw ito sa kanya kaya kunwari ay binisita niya ito sa Sorsogon dahil may hinahanap siyang hair spray.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, ay bumisita sila kina Jacque, na noon ay nagbabakasyon sa kanyang pamilya.

Nilibot nila ang bahay ng pamilya nito, na halos tatlong taon na raw itinatayo dahil unti-unti ang pagpapagawa ni Jacque – kumbaga parang section lang kapag may avai­lable na budget.

Naantala raw ang pagtatayo dahil sinusuportahan din nito ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid at tinustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Si Jacque kasi ang nakakaalam talaga ng napakaraming bagay tungkol sa buhay ko. ’Pag nandiyan si Jacque, I feel safe, may mag-aalaga sa akin,” sabi pa ng TV host comedian.

Awws. Bongga na rin.

Tho maliit na bagay lang ‘yun kay Vice na baka kapresyo lang ng isang Chanel bag niya, malaking bagay naman ‘yun sa kanyang kasama sa bahay.

 

Dimples, hindi tumulad sa mga artistang mahilig sa mamahaling bag at sapatos

Kung ang ibang celebrity ay mga luxury item - bag and shoes ang pini-flex na investment, iba ang actress na si Dimples Romana.

Proud siyang nag-flex ng anak na isang licensed pilot na.

“So our child number one finally completed her flying licenses yesterday all the way from the land down under (Australia flag emoji)
“Finally, a licensed commercial pilot!????????? didn’t you just turn 20 years old, two months ago, Amanda!?!? YOU ARE A ROCKSTAR Capt @callieahmee ?????
‘You’re making dad @boyetahmee and I look so darn good!!! WE ARE PROUD and humbled I have not stopped crying buckets from thinking about all the struggles and sacrifices you have had to overcome to achieve your ultimate dream. ate, may your beautiful story of dreaming big, staying true to yourself, leaving the comforts of home, li­ving alone, creating a path of your own with a heart determined to soar high inspire many other young people, especially women like yourself to never be afraid to march to the beat of their own drum and fly confidently like you do ????????
“You have us always ??
“Love you. Now, go cook adobo and sinigang,” buong post ng actress.

Hindi nga siya gumagastos sa mga mamahaling bag at sapatos.

Bukod sa tuition ng anak, mas gusto niya actually na mag-invest sa furniture.

“Puro mga tuition po inaasikaso. ‘Yun po ‘yung totoo. Ah kung luxury, I would say I like furniture a lot… so I would splurge on furniture that feeling ko mapapamana ko. So it can be a really good Ita­lian brand, it could also be a really good Filipino brand I’m associated. ‘Yon, puro furniture po para sa mga tahanan,” aniya sa huling interview namin.

Hindi raw biro ang magpaaral sa Australia lalo na sa naging kurso nito.

Michelle at Anntonia, nag-trending ang patalbugan ng katawan!

Trending kahapon ang cover pictorial ni Miss Universe Philippines Michelle Dee and Miss Universe Thailand Anntonia Porsild.

#PORDEExMEGA ang ginamit nilang hashtag.

Nagkaroon nga sila ng kakaibang friendship nung nagkalaban sa nakarang Miss Universe.

Nag-leak noon na kasama sa Top 5 si Michelle pero sa actual coronation ay laglag siya at si Miss Thailand ang pumasok.

Pero nanatili silang friends.

By the way, almost a year na rin pala nang aminin ni Michelle na bisexual siya.

Jake, hahadlang sa DonBelle?!

Nag-taping na si Jake Ejercito para sa Can’t Buy Me Love.

Siya ang bagong pasok na character sa nasabing serye na kuwento nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan) na ngayon ay most watched show sa iWantTFC.

Nanatili rin ito bilang isa sa top shows sa Netflix at humahamig din ng lampas 200,000 views gabi-gabi. 

Supposedly ay si Jake ang katambal ni Kim Chiu sa local version ng What’s Wrong With Secretary Kim pero mas bagay naman talaga sina Kim at Paulo Avelino.

Show comments